Advertisers

Advertisers

Tapat na NAIA personnel, pinuri ni GM Monreal

0 194

Advertisers

PINAPURIHAN n ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal ang isang building attendant sa NAIA dahil sa ipinamalas nitong katapatan at integridad, matapos magsauli ng cash na umaabot ng US$10,000 cash.

Ani Monreal, ang cleaner na si Jhun M. Telewik ng Front Runners Property Maintenance and General Services Corporation ay naglilinis at nangungulekta ng mga basura sa NAIA terminal 2 nang makita niya ang isang bag sa isa sa mga gang chairs sa NAIA Terminal 2 dakong 11:30 a.m. ng Nobyembre 27.

Nang muli siyang magsagawa ng rounds sa nasabing lugar, nakita niya na naroon pa rin ang naturang bag kaya naman agad siyang humingi ng tulong sa Philippine Airlines ground attendants na sumubok na hanapin ang may-ari ng bag sa pamamagitan ng terminal paging system. Sa kabila ng paulit-ulit na announcements, wala pa ring lumutang para kunin ang nasabing bag o magtanong ukol dito, kung kaya’t nagdesisyon si Telewik na i-turn over ang bag sa NAIA Terminal 2 Lost and Found Office.



Sa isinagawang imbentaryo, natuklasan na ang bag ay naglalaman ng cash na US$ 10,000 na tig-100 dollar bills, mga gamot at iba pang personal na gamit.

Ang Airport Police na pinamumunuan ni Col. Adrian Tecson ay agad namang kumilos upang matunton ang may-ari ng bag hanggang sa ito ay nakilalang si Leonides Castillon, Sr., isang Filipino-American.

Ani Tecson, napag-alaman na ito ay nagmula sa United States at patungo ng Dipolog nang maiwanan niya ang kanyang bag. Nang tanungin kung ano ang naramdaman niya nang malaman ang nilalaman ng bag na kanyang natagpuang abandonado, ani Telewik: “Hindi ko inisip yung halaga, mas inisip ko yung may-ari dahil baka mas may kailangan siyang importanteng bagay na nasa loob ng bag”. Dahil walang natagpuan na anumang identification card o dokumentong maaring magsabi ng may-ari ng bag, ang ginawa ng MIAA Intelligence and Investigation Division (IID) kung saan itinurnover ang bag, ay nakipag-ugnayan ito sa PAL para sa posibleng lead.

Nitong Martes, dumating sa NAIA ang isang nagpakilalang anak ng may-ari na si Castillon , Jr.

Matapos makapagpakita ng mga dokumento upang patunayan na anak siya ng nagmamay-ari ng bag at ang kanyang ama ang tunay na me ari ng bag, ini-release ito sa kanya ng MIAA- IID.



Malugod na nagpasalamat si Castillon, Jr. at binigyan ng pabuyang $100 si Telewik.

“Nakakataba ng puso na sa kabila ng paghihirap na dulot ng pandemya, may mga tao pa rin na nananatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin kahit sa harap ng nakakasilaw na tukso. I salute Mr. Telewik for his great honesty. I am sure there are still more equally dedicated workers in our midst here in NAIA,” ani GM Monreal.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.