Advertisers

Advertisers

Sinimulan ni PDu30 itutuloy ni Sara…

0 243

Advertisers

MAINIT na pinagtatalunan ngayon ng netizens ang inanunsyo ni Vice Presidential aspirant Sara Duterte-Carpio, matapos magwidro ng kandidatura para sa pagkapangulo si Senador Bong Go.

Sabi ni “Inday Sara”, anak ni Pangulong Rody Duterte, makabubuti sa kanyang kandidatura ang pagwidro ni Sen. Go dahil magkakaroon na ng “unity” ang Duterte Diehard Supporters (DDS) at Bongbong Marcos (BBM) loyalists na parang bulbol na nagulo nang lumahok sa presidential race ang “kanang kamay” ng kanyang ama noong Nob. 13 via substitution.

Nitong Martes, Nob. 30, ay inanunsyo ni Sen. Go ang pag-atras sa presidential derby dahil ayaw niya raw mahirapan pa si Pangulong Duterte sa pagkampanya sa kanya. Si Duterte kasi ang nag-push kay Go na tumakbong presidente mula sa orihinal na planong Vice Presidential.



Matapos ianunsyo ni Pangulong Duterte ang pagtakbong pangulo ni Sen. Go, para ito raw ang magtuloy ng kanyang mga nasimulang programa, ay kaliwa’t kanan ni-yang binakbakan, binaboy ang pagkatao ng mga kalabang presidentiable tulad nina BBM, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo. Si Sen. Ping Lacson lang ang ‘di niya winakwak.

Sinabi niyang si Marcos ay weak leader, gumagamit ng cocaine, anak ng magnanakaw, komunista at walang nagawa noong senador

Sinabihan niya rin si Isko na pasayaw-sayaw lang ang alam at hubadero.

Si Pacquiao naman daw ay walang alam, sumusunod lang sa kung ano ang bulong ng advisers.

Mahinang lider rin daw si Leni at komunista.



Pero ang higit na nasaktan sa mga birada ni Pangulong Duterte ay ang kampo ni BBM. Kasi nga kabilang sila partikular ang “solid north” sa mga nagpapanalo kay Duterte noong 2016. At karamihan sa BBM ay mga DDS din.

Ngayong umatras na ang “manok” ni Pangulong Duterte sa presidential race, magawa kaya nitong iendorso pa si BBM na binaboy na niya ang pagkatao? May maniniwala pa kaya sa kanya? Tingin nyo, repapips?

Balik tayo sa binanggit ni Inday Sara na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulan ng kanyang ama eh Vice President lang naman ang tinatakbo niya?

Papayag ba si BBM, sakaling mahalal, na sundin ang anumang sasabihin ni Sara? (kung ito rin ang manalong Pangalawang Pangulo).

Ang Bise Presidente kumbaga sa gulong ng sasakyan ay isang reserba lamang. Ang trabaho nito’y kumain at matulog lang, maghintay kung kailan maging inutil o matigok ang Presidente para magkaroon ng kapangyarihan para pasunurin ang lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Bagama’t ang Bise Presidente, base sa ating Saligang Batas, ay pinapayagan maging miyembro ng Gabinete. Bagay na hindi nangyari sa termino ni Vice President Leni Robredo na mistulang naging basura sa administrasyong Duterte. Mabuti lang at madiskarte at likas na masipag si “Lugaw”. Nagawa parin ni-yang busugin ang mamamayan ng social services sa pamama-gitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor na nagbi-gay sa kanya ng mga financial assistance.

Eh… ano kayang mga nasimulan ni Pangulong Duterte ang itutuloy ni Inday Sara? Ang administrasyon ng kanyang ama ang naglugmok sa Pilipinas sa napakalaking utang, halos P12 trillion na!, grabeng korapsyon, bumaha ng imported shabu, extra judicial killings, mga paglabag sa human rights, pagkonsinte sa mga tulisang opisyal, at paglobo ng mga nawalan ng trabaho. Ito ba ang itutuloy ni Inday Sara? Say nyo, repapips?