Advertisers

Advertisers

Carrot Man wagi bilang best actor sa New York

0 247

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MULA nang madiskubre siya at maging online sensation sa social media,  malayo na rin ang narating ni Jeyrick Sigmaton aka Carrot Man.

Pumalaot siya sa larangan ng pagmomodelo at pinasok na rin niya ang pag-arte.



Katunayan,  he has added another feather to his cap dahil siya ang tinanghal na best actor para sa narrative short film na Dayas sa 2021 International Film Festival Manhattan sa New York City sa Estados Unidos.

Ayon kay Jeyrick,  hindi raw siya makapaniwala na nagwagi siya sa nasabing kumpetisyon.

Noong natanggap lang daw niya ang opisyal na mensahe ay doon lang nag-sink sa kanya ang pagkapanalo.

Ginawaran din siya ng Dangal ng Lahi award sa kanyang pagkapanalo sa naturang filmfest na ang awarding ceremony ay ginanap sa Okada Manila kamakailan.

Thankful din si Jeyrick sa kanyang direktor na si Jennylyn Delos Santos aka Direk JianLin dahil sa pagkakataong ibinigay nito sa kanya na maipamalas ang kanyang galing sa pag-arte sa nabanggit na short film.



Hanga rin siya sa adbokasya nito na paglinangin ang kultura ng mga katutubong Cordilleran sa mga obra nito.

Kahit masasabing glamoroso ang buhay ng isang artista,  may mga bagay daw na gustong panatilihin ni JeyRick sa sarili tulad ng pagiging simple.

Dagdag pa niya, bet din niyang makagawa ng action film.

Excited din si Jeyrick dahil ang kanyang short film na pinagbidahan ay gagawing full-length feature.

Aminado rin siyang hanga sa  sexy vlogger at actress na si Ivana Alawi at kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho ito.

Handa rin daw siyang makipagsabayan sa kaseksihan ni Ivana kung hinihingi ng pagkakataon.

Tungkol naman sa paggawa ng BL movie o series,  aniya, tila hindi pa raw siya handa sa ganitong klaseng pelikula.

Ang Dayas ay isa lamang sa mga produksyon ng Sine Cordillera at Be Unrivaled Productions.

Kasama rin sa cast ng short film si Kelvin Vicente with Direk Peter Mariano as co-director.