Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
INIHAYAG ni Barbie Forteza na handa na siya sa mga mature na roles, pero hindi kasama ang mga daring scene.
“Mature, yes, I’d like to say yes, pero not daring particularly. Hindi naman ibig sabihin mature roles eh daring na rin ‘di ba?” sabi ni Barbie sa Kapuso Showbiz News.
Sinabi ni Barbie na gusto muna niyang bigyan ng oras ang sarili para makapaghanda sa daring na roles.
“I’m not saying na hindi ako dadating doon, but I want to take things slow,” saad ng Kapuso actress, na muling pumirma ng kontrata kamakailan para manatiling Kapuso.
“Pero yes, hopefully in this new chapter in my career. Hopefully yes, you will see a more mature Barbie, more serious Barbie and a braver Barbie,” sabi pa ni Barbie.
Labing dalawang taon na si Barbie sa Kapuso Network.
“I feel kind of old. Kanina na-realize ko sinabi ng host 12 years, parang ‘yun din ang edad ko noong pumasok ako sa GMA. So grabe ang tagal na pala.”
“Kasi para sa akin in-enjoy ko lang eh, nag-enjoy lang ako sa buong journey. So nagulat ako na, wow, has it already been 12 years?” dagdag pa niya.
Gusto ni Barbie na makagawa pa ng maraming pelikula, mapa-independent man o mainstream film, dahil iba pa rin ang disiplina nito kaysa teleserye.
Inilahad din niya ang role na gusto niyang subukan sa teleserye.
“Kung teleserye naman, gusto ko siguro medyo action, para ma-challenge ako,” saad niya.
***
SPEAKING of Barbie Forteza, nais ni Carrot Man (o Jeyrick Sigmaton) na makatrabaho sina Barbie at Ivana Alawi.
Nagkakilala na sina Jeyrick at Barbie at nagkakuwentuhan nang minsang bumisita si Carrot Man sa GMA Network.
Best Actor awardee na si Jeyrick at marami na ring acting awards si Barbie, handa naman daw si Jeyrick na makipagsabayan sa Kapuso actress?
“Kaya ‘yan,” sambit pa ni Jeyrick.
May mensahe naman siya para kay Ivana…
“Shout out to Ms. Ivana, sana makapag-collab tayo minsan, kahit minsan lang.”
Nagwagi si Jeyrick bilang Best Actor para sa short film na Dayas sa katatapos lamang na International Film Festival Manhattan Autumn sa New York sa Amerika.
“Actually, nagulat din ako noong una. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng ganung award, ‘tapos international pa. Masaya naman ako at that time, nakalimutan ko na kung ano yung ginagawa ko noong binalita nila,” pahayag pa ni Jeyrick.
Ayon pa kay Jeyrick, nakatulong sa kanya ang mga sinalihan niyang acting workshops kaya hindi siya gaanong nahirapan sa una niyang pagsabak sa akting.
Hindi niya raw makakalimutan ang mga emotional scenes niya sa naturang short film.
“Masakit sa dibdib pala kapag totoo yung scene, tapos ayaw pang mag-cut ng direktor.
“Kasi, sa tuwing iiyak ka, doon mo nailalabas yung sakit sa iyong damdamin. Nag-practice ako nang mabuting-mabuti sa pag-iyak.”
Pinarangalan din si Jeyrick ng Dangal ng Lahi na ginanap nitong November 27.
Ang Dayas (the process of gold extraction from the ore) ay sa direksyon at brainchild ni direk Jennylyn Delos Santos (or Jianlin) na siya ring executive producer ng Dayas.
Si Peter Allan Mariano naman ang Assistant Director at Director of Photography ng naturang short film.
Si Ms. Jinky Delos Santos-Lontoc ang Coordinating Director at online strategist ng Sine Cordillera at Be Unrivaled Productions na naghandog ng pelikula at coordinator sa mga media networks at international film festivals para sa promotion ng Dayas.
***
WALANG paglagyan ang kaligayahan ni BIanca Umali sa muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa GMA Artist Center!
Masaya si Bianca na tuloy ang kanyang paglalakbay bilang isang loyal Kapuso.
“I am thankful. Wala akong ibang maramdaman kung hindi ‘yung pagpapasalamat ko lang talaga sa lahat ng mga tao.
“Of course, I am very happy sino ba naman ang hindi matutuwa na ganito ang tiwala sa’yo ng network mo.”
Labis din daw ang kanyang pasasalamat sa mga oportunidad at suporta at tiwalang patuloy na ipinagkakaloob sa kanya ng Kapuso Network.
“Talagang wala akong masabi at maramdaman kung hindi puro pagpapasalamat lang kasi hindi lahat ng tao napagbibigyan ng ganitong oportunidad.
“Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng tiwala, suporta, at pagmamahal ng GMA.
Isang malaking biyaya para kay Bianca ang mahigit isang dekada na niyang pagiging Kapuso sa GMA.
“The fact that I have it now for 13 to 14 years I am very blessed and always thankful,” sinabi pa ng Halfworlds actress.