Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA vlog ni Ogie Diaz, nakapanayam niya ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.
Nagbalik-tanaw ang doctor tungkol sa kanyang malungkot na nakaraan.
Hindi ikinaila ni Dra. Vicki na isa lamang siyang ampon.
Inampon daw siya ng kanyang aunt at ng asawa nitong walang anak mula sa kanyang biological mom.
Kwento pa ni Dra. Belo, ikalima raw siya sa siyam na magkakapatid.
Sinabi raw ng kanyang ina noong ipinagbubuntis pa lamang siya na kung babae ang nasa sinapupunan nito ay ibibigay daw niya ito sa kapatid.
“Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko,” aniya. “In my head… parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na,”dugtong niya.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan.
“So when I think of that since I have so many issues about adoption about not being good enough, about not being lovable… I don’t like to be greeted. Kasi, my mom and dad gave me on my birthday. Kaya,wala, bumabalik lang talaga ang pain. I just ignore… so the best gift that you can give me is not to greet me,” esplika niya.
Gayunpaman, thankful daw naman siya sa mga nakilala niyang mga magulang dahil binigyan siya ng mga ito ng magandang kinabukasan.
Tungkol naman sa kanyang anak na si Scarlet, ayaw daw niyang i-spoil ito.
Katunayan, noong nagbakasyon daw sila abroad, may pinabibili raw ito sa kanyang maraming laruan pero isa lamang ang binili niya dahil hindi raw niya bet na masanay ito sa luho.
Sa panahon ng pandemya kung saan sarado ang kanyang clinic, tatlong bagay daw ang kanyang pinagkaabalahan: tiktok, podcast at vlogging.
Mas enjoy daw siya sa pagti-tiktok dahil naging daan daw ito para maipakita niya ang galing sa pagrampa at pagsayaw.
Tanggap din niya na marami siyang naging bashers sa pagti-Tiktok niya.
Pinagtsismisan din daw siya ng mga kakilala kung nawawala na raw ba siya sa katinuan kaya nahuhumaling siya sa Tiktok.
May mga nagpayo rin sa kanya na hindi maganda sa imahe niya ang pagsasayaw sa Tiktok lalo pa’t may pangalan siyang pinangangalagaan.
Sa ngayon, stop na raw siya sa pagsasayaw sa Tiktok.
Iba na raw ang content niya na kalimitan ay educational at inspiring features.
***
FDCP, DFA bibigyan ng tribute ang National Artist na si Kidlat Tahimik
Para kilalanin ang kanyang naging ambag sa industriya ng pelikulang Pilipino, bibigyan ng tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ng Department of Foreign Affairs’ (DFA) Public and Cultural Diplomacy arms ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Kidlat Tahimik.
Ipalalabas ang kanyang mga piling pelikula na idaraos din ang talkback sessions mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 8.
Si Kidlat Tahimik ay kinilala ang mga obra sa local at international award-giving bodies tulad ng Cinemalaya, Gawad Urian, Prince Claus Fund, Amiens International Film Festival, and Berlin International Film Festival.
Lima sa kanyang mga pelikula ay ipalalabas sa Vimeo Channel nang libre tulad ng Perfumed Nightmares (1977), Sino Lumikha ng Yoyo? Sino ang Lumikha ng Moon Buggy? (1979), Turumba (1981), Bakit Dilaw ang Gitna ng Bahaghari? (1994), at Balikbayan #1: Memories of Overdevelopment Redux III (2015).
“Through this retrospective and talkback session with National Artist and Father of Philippine Independent Cinema Kidlat Tahimik, made possible by a partnership with DFA, audiences, especially our local independent filmmakers will hear from the National Artist himself. As we shine the spotlight on his films, we hope to see more independent films influenced by local stories and our culture on the silver screen in the near future,” ani FDCP Chairperson and CEO Diño.
Ang naturang event ay bahagi ng selebrasyon ng FDCP ng first Philippine Film Industry Month noong Setyembre, alinsunod sa Presidential Proclamation 1085, na may temang “Ngayon Ang Bagong Sinemula” na layuning ipagdiwang ang ambag at pamana niya sa Philippine Cinema.