Advertisers
PANALO na sa LOWER COURT ang CIVIL CASE na isinampa ng mga kaanak sa naganap na SULPICIO TRAGEDY.., subalit sa CRIMINAL CASE ay pinawalang sala ng hukuman ang responsableng taga-mando sa paglalayag ng barko sa kasagsagan ng bagyo 13-taon na ang nakalilipas.
Bagay na ikinagulat at ikinadismaya ng mga naghahangad ng HUSTISYA sa sinapit na trahedya ng mga lulan ng M/V PRINCESS OF THE STARS na lumubog sa karagatang sakop ng ROMBLON noong June 21, 2008 sa kasagsagan ng bagyo.., na hindi maiwasang magduda ng mga COMPLAINANT sa posibilidad ng “MONEY TALKS”.
Sabagay, talagang gagana ang MONEY para sa pagkamit ng HUSTISYA dahil mula sa paghahain ng kaso sa korte ay may mga kaukulang bayarin at kung walang pambayad ay hindi gugulong o hindi mapo-proseso ang kaukulang pagdinig sa mga kaso.., at sa pananaw kung “nahahatagan” ba ang mga JUDGE ay malaking katanungan po iyan kung too o hindi?
Sa kaso ng SULPICIO LINES ay 71 CIVIL CASES ang naihain sa REGIONAL TRIAL COURT OF MANILA, BRANCH 52. Nanalo ang mga kaanak ng mga biktima sa naging desisyon ng korte noong September 18, 2015 at pinagbabayad ng danyos ng hukuman ang mga may-ari ng SULPICIO LINES Inc kasama ang akusadobg si EDGAR GO na siyang VICE PRESIDENT FOR ADMINISTRATION at HEAD ng CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE ng SULPICIO LINES.
Sa desisyon naman ng RTC CEBU BRANCH 16 noong October 6, 2021 ay ipinag-utos sa mga may-ari ng SULPICIO ( pinalitan sa pangalang PHILIPPINE SPAN ASIA CENTER CORP.) kabilang muli si EDGAR GO na magbayad ng kabuuang halaga na P206,317,258.84 at P20,631,725.88 bilang attorney’s fees.., yun nga lang ay umapela sa COURT OF APPEALS ang SULPICIO.
CIVIL CASE na inihain sa pamamagitan ng PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) ay naipanalo sa lower court pero sa CRMINAL CASE na inihain ng DEPARTMENT OF JUSTICE PANEL ay talo.., bakit nga ba?
Sa 14 pahinang desisyon ay ipinunto ni JUDGE MARIA PAZ REYES-YSON na nabigo ang prosekusyon na magpatunay ng kahit anong ‘causal relationship between’ sa pagiging ehekutibo ni GO sa kompanya at sa nangyaring insidente.
Sa CRIMINAL CASE na inihain ng DOJ PANEL ay pumayag na lamang ba sila na idinaos ang paglilitis na hindi man lang humarap sa hukuman kahit isa sa mga naging biktima ng trahedya at presto biglang nagkaroon ng desisyon na pinawawalang sala ang akusado? Kaya naman, napapaisip ang mga biktima gayundin ang PAO sa kung anong MAHIKA ang naging kaganapan e maraming mga aspeto ang nagsasaad na noong maganap ang trahedya ay si GO ang naka-duty para sa pagmando sa mga barko ng SULPICIO na hinayaan nito ang paglalayag gayong nasa kasagsagan ng bagyo.
Bunsod nito, ang PAO ay maghahain ng kanilang mosyon dahil sa mga “lapses” sa isinagawang paglilitis ng kaso na nagresulta sa pagpapawalang sala sa akusado ng CRIMINAL CASE.
“Here, the prosecution was not given the chance to file its Comment or Opposition to the Demurrer to Evidence filed by accused Edgar S. Go. The prosecution received the hard copy of the same only on November 16, 2021, i.e. two (2) days before the Order of this Honorable Court granting the Demurrer to Evidence filed by the accused. Strangely, no electronic copy of this Demurrer to Evidence was received,” bahagi sa nilalaman ng MOSYON para muling pagtuunan ang nasabing kaso.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.