Advertisers
PATULOY sa ginagawang pamamahagi ng ayuda at pagpapakita ng malasakit sa kapwa si Senator Christopher “Bong” Go nang personal niyang pangunahan ang aid distribution activities sa may 2,751 benepisyaryo na binubuo ng LGBT community, indigents at typhoon victims sa Davao City.
Isinagawa ng grupo ni Go ang hiwalay na aktibidad sa gymnasium ng Barangays Santo Niño, sa Alambre at sa People’s Park.
Namahagi sila ng mga pagkain, masks at grocery packs sa LGBT members at typhoon victims. Bukod pa rito ang mga bagong pares ng sapatos, bisikleta at computer tablets.
Samantala sa hiwalay na distribusyon ay nagbigay rin ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development ng financial assistance para matulungan ang mga residente sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Nagsagawa naman ng Department of Trade and Industry at ang Technical Education and Skills Development Authority ng on-site assessment para sa mga kuwalipikadong recipients ng livelihood at scholarship programs.
Nakisalamuha ang senador sa LGBT community para makinig sa kanilang hinaing at alamin ang kanilang sitwasyon.
Adbokasiya ang karapatan ng LGBT, sinabi ni Go na ang Davao City ay isa sa local government units na nagpapatupad ng anti-discrimination law para protektahan ang kapakanan at interes ng iba’t ibang sektor sa komunidad.
“Alam ninyo kung gaano kalapit sa amin ni Presidente Duterte ang mga LGBTQ community. Every Christmas, nagtitipon-tipon tayo noon at (alam ninyo) kung gaano namin kayo kamahal at para sa amin, pantay-pantay dapat tayo,” sabi ni Go.
“Ang importante, ating ipaalala sa ating utak pareho tayong lahat na Pilipino, ‘yan ang pinakaimportante. Rest assured, basta nandyan pa ako sa Senado, ipaglalaban ko po ang karapatan ng LGBT, asahan ninyo po ‘yan,” pangako ng senador.
Tiniyak ni Go sa mga kapwa Davaoeños na ang kanyang opisina ay patuloy sa pagpapalawak ng bayanihan efforts upang wala ni isang Filipino na maiiwan sa pagbangon ng bansa.
“Pagdating ng panahon, kahit na brgy. captain o kahit na ordinaryong mamamayan na lang po ako, private citizen, huwag po kayong mag-atubiling lumapit po sa akin,” ani Go.
“Nandirito po ako, ang inyong Kuya Bong Go na handang magserbisyo po sa inyong lahat sa abot ng aking makakaya dahil mahal na mahal ko po ang aking kapwa Pilipino,” idinagdag ng mambabatas.
“Ako naman po (ang) ipinangako ko sa inyo (ay) kahit saan sulok kayo ng Pilipinas pupuntahan ko po kayo basta kaya lang po ng aking katawan yan po ang aking isnumpaang tungkulin,” pahabol niya.