Advertisers
SA anumang sport ay napakahalaga ng paghahanda bago ang laban. Mula bago ang torneo hanggang before the game.
Kailangan puspusan ang training. Iinom ka rin ng mga bitaminang pampalakas at aalagan mo iyong katawan.
Dapat may dagdag na kaalaman hinggil sa katunggali. Pag-aaralan video na mga dati ninyong match at pati sa katapat.
Sa ibang laro importante ang bawa’t opensa o tira. Preparasyon ito sa susunod na kilos.
Halimbawa sa billliard. Sa isang galaw mo ay iniisip na ang kasunod. lalatag mo kasi mga bola sa mesa sa ayos na may malinaw kang next move. Pwede matutumbok mo o tatago sa iyong kalaban.
Sa basketball naman ganoon din lalo’t naghahabol iyong koponan.
Ehemplo ay kung lamang ang kabila ng tatlong puntos at mahigit pa tapos may 35 na segundo na lamang.
Hawak ninyo ang Wilson o Molten. Pipiliptin ninyong makaiskor sa loob ng 5 seconds upang may maiwan pa sa inyong mga anim to shoot pagkatapos opensa nila.
Yan ang kahalagahan ng preparasyon! Sa ensayo man o sa game mismo.
***
Maaari natin ihambing yan sa darating na halalan. Yung mga partido o grupo may plinanong mga istratehiya na para sa 2025 o 2028 na. Pipili ng kandidatong VP na malakas para kung magwagi posible siya naman sa eleksyon anim taon mula sa 2022. O kaya pupuwesto isang senatorial aspirant upang maging numero uno sa race. Kasi kung topnotcher ka sakalam ka sa next presidential derby.
Noong 2016 pumalaot si Jojo Binay na pangalawang pangulo noon pero hindi pinalad sa dami ng isyu ng kurapsyon.
Si Busy Leni Robredo nakumbinsen tumakbo para sa Malacanan kasi nga ay siya imcumbent na VP.
Ganyan din naganap kay Erap noong 1998. Ire naman si Grace Poe naglakas ng loob kumandidato noong 2016 para sa Palasyo kasi siya nanguna sa botohan ng mga senador taong 2013.
Sa mga LGU ay ganyan din ang sistema na umiiral.Yan naman ang tinatawag na paghahanda sa pulitka.