Advertisers

Advertisers

Noche Buena para sa 700K pamilya sa Maynila, inutos ni Isko at Honey na ipamigay na

0 290

Advertisers

INUTOS na nina Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pamimigay ng maagang ‘Noche Buena’ packages para sa may 700,000 pamilyang naninirahan sa kabisera ng bansa.

Kinilala ni Moreno ang ginawang hakbang ng Manila City Council sa pagtitimon ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang presiding Officer, majority floorleader Atty. Joel Chua at President Pro Tempore Jong Isip dahil na rin sa mabilis na paggawa ng mga ito ng hakbang upang mapagkalooban ng kinakailangang budget ang nasabing ‘Noche Buena’ packages.

“Ito po ay sa tulong na rin ng pinagsama-samang effort at bilis-kilos ng ating mga kawani sa ilalim nina City Engineer Armand Andres, Manila Traffic and Parking Bureau head Dennis Viaje, social welfare department chief Re Fugoso at department of public services chief Kenneth Amurao na ating inatasan upang ihatid itong simpleng Pamaskong handog namin sa inyo,” dagdag ni Moreno.



Sinabi ng alkalde na ang mga Christmas food boxes ay inaasahang makakarating sa pinaka-depressed na bahagi ng lungsod upang matiyak na ang mga pamilya dito ay mayroong pagsaluhan sa Bisperas ng Kapaskuhan at sa mismong araw ng Pasko.

Sinimulan nina Moreno Lacuna ang pamimigay ng Christmas food packages’ sa District 1 at inaasahan na magpapatuloy ito sa mga susunod na araw hanggang sa mabigyan na ang lahat ng pamilya sa anim na distrito ng Maynila.

Ayon naman kay Fugoso, ang bawat kahon ay naglalaman ng food items na karaniwan nang inihahanda sa ‘Noche Buena’ o sa Bisperas ng Pasko kapag nagsasama-sama na ang buong pamilya.

Sinabi pa ni Moreno na ang gift-giving activity ay munting paraan ng lokal na pamahalaan na kalingain ang mga residenteng walang kakayahan na makabili ng kanilang Noche Buena sa Kapaskuhan.

Ayon pa sa alkalde ay batid niya ang nararamdaman ng walang makain o mapagsaluhan sa panahon ng Kapaskuhan. Ito aniya ay isang malungkot na karanasan na ayaw niyang maranasan ng mga pamilya.



Sa kasalukuyan, may 134 barangay na mula Districts 1 at 2 ang tumanggap na ng kanilang Christmas boxes. Ang Maynila ay binubuo ng may Ma 896 barangay. (ANDI GARCIA)