Advertisers

Advertisers

Preso pumuga sa Biliran Provincial Jail

0 243

Advertisers

NAKATAKAS ang isang inmate sa Biliran Provincial Jail nitong Lunes nang madaling araw.

Kinilala ang preso na si Carmelito Abia.

Base sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, nakatakas si Abia 12:30 ng madaling araw mula sa naturang bilangguan.



Nabatid na umakyat sa pader sa likod na bahagi ng kulungan ang preso para makatakas.

Kasalukuyan pang tinutugis ng mga awtoridad si Abia , may kasong rape, mula sa bayan ng Kawayan, Biliran.