Advertisers
AABOT sa halos dalawang kilo ng shabu ang nasamsam ng pulusya sa buybust operation Linggo ng gabi sa Barangay Tungkil, Minglanilla, Cebu.
Kinilala ang naaresto na si Eric Lapeña alyas Ekoy, 39 anyos, ng Sitio Mutra, Brgy. Tisa, Cebu City.
Nakumpiska mula kay Ekoy ang 1.875 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P12, 750,000.00.
Nasa kustodiya na ngayon ng Minglanilla Police station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.