Advertisers

Advertisers

Misis huli ni mister ka-sex sa kuwarto ang Grab driver

0 871

Advertisers

KULONG ang isang misis at kalaguyo nitong Grab driver nang mahuli sa akto ng mister habang nagtatalik ang dalawa sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Lunes ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong adultery ang ginang na si Ma. Christina Apego, 30 anyos, process associate, ng Block 3 Springfield Subdivision, Brgy. Molino 3; at lover nitong si Manuel Punzalan, 36, ng Block 3 Lot 7 Springfield Subdivision.

Sa pahayag ng mister na si Lester John Apego, 34, kay Police Staff Sgt. Marvin Rae Calaor, 3:00 ng madaling araw nang palihim siyang umuwi ng kanilang bahay at nagdire-diretso sa kuwarto nilang mag-asawa.



Pagbukas nito ng pintuan ng kuwarto, bumulaga sa kanya ang kababuyang ginagawa ng kaniyang misis at kalaguyo nito mismo sa kama nila.

Agad na humingi ng tulong ang mister sa pulisya at ipinaaresto ang misis at kalaguyo nito.

Ayon sa mister, matagal na siyang nagdududa sa kanyang misis na may ginagawang kalokohan kaya sinadya niyang umuwi nang palihim upang mahuli sa aktong nagtataksil.