Advertisers

Advertisers

Traffic enforcer patay sa salpok ng kalesa

0 472

Advertisers

CAGAYAN – Patay ang isang tauhan ng Tuguegarao City Traffic Management Group (TCTMG) nang masangkot sa malagim na vehicular accident sa bahagi ng Provincial Road Capatan Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jayson Pattaui, 30 anyos, residente ng Maguddayao Street, Tagga sa nasabing lungsod.

Sa ulat, nadaganan ng kanyang minamanehong tricycle si Pattaui. Hanggang sa bumaliktad ang tricycle na walang plate number nang tumbukin ito ng kasunod na kalesa na minamaneho ni Tirso Paddayuman, 51, ng Narra Street, Capatan sa nabanggit na lungsod.



Ayon sa report, 8:00 ng gabi nang mangyari ang aksidente.

Sugatan ang pasahero ni Pattaui na si Francisca Paddayuman, 36, biyuda, ng Liban Street, Balzain East, Tuguegarao City.

Isa naman sa dalawang pasahero ni Paddayuman ang sugatan. (Rey Velasco)