Advertisers
MAHIRAP mahanap ang taong tunay na may pagkalinga sa kapwa lalo’t sa usaping buhay. Mabibilang sa daliri ang mga taong may pagtingin sa kagalingan ng kapwa lalo’t paglalaanan ito ng oras at talino upang harapin ang problema na ‘di kanya ngunit aariin pang sariling usapin. Ang nakalakihang pag-uugali’y likas kay Kuya Alex Lacson isang karaniwang tao na lumaki sa lugar ng mga sakada na inugoy ng kapalaran na maging mapalad na may angkin katangian na kinalulugdan ng mga nakakasalamuha.
Hindi naghahanap ng kapalit sa pagtulong sa kapwa, mula usaping legal, usaping personal o maging sa pangangailangan pang eskwela’y nagbabahagi ng biyaya dahil minsan na naging mailap sa kanya lalo sa panahon ng paglaki. At sa naranasang kakulangan sa material na bagay noong nagbibinata’t lumalaki hindi makalimutang ibahagi ang mayroon sa kasalukuyan lalo sa mga kabataang nagsusumikap na magtapos ng pag-aaral. Maraming isko at iska si Kuya Alex Lacson (KAL), patunay na ang pag-ibig sa kapwa’y dalisay, walang kabayaran at hindi kagyat o panandalian.
Mula sa karaniwang simula ng buhay, nagtapos si Kuya Alex Lacson sa Unibersidad ng Pilipinas ng AB Political Science noong 1991, ng Law noong 1996 at naging ganap na abogado sa nasabi din taon. Patuloy na nag-pakadalubhasa sa batas sa Harvard Law School noong 2002 at sa Haggal Institute sa Singapore, 2007. Sa nakamit na mga kaalaman at tagumpay, sumidhi ang pagnanais na pagsilbihan ang nakararaming nangangarap ng umahon sa kahirapan at tunay na pag-unlad sa buhay.
Ginawang tuntungan ang kaalaman upang magsilbi sa bayan, naglingkod sa mga Non-Governmental Organizations (NGOs), naglimbag ng mga aklat na may kinalaman sa pagmumulat ng Pilipino kasama dito ang Best Seller na “ 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country”. Sa pagnanais na matulungan ang bansa at ang masang kaulayaw sa paglaki, tinanggihan ang mga naglalakihang alok na trabaho sa mga multi-national corporation at pinili ang mga babad sa taong gawain na tuwiran ang pakinabang ni Mang Juan, ito si Kuya Alex Lacson.
Sa gawaing pagpapaunlad at pagmumulat, ang pagbibigay edukasyon sa mga bata at hanapbuhay sa mga magulang na nagsisimula ng maliliit na negosyo ang inuna. Maliit ang naambag sa kagalingan ni Aling Marya at sa mga anak, subalit matindi ang dating dahil sa tuwiran ang pakinabang ng pamilyang nakapaloob sa programang ipinatutupad, hanggang sa kasalukuyan.
Sa pagsabak sa gawaing pagpapaunlad, tumibay ang paniniwala ni KAL na kailangan ang tuwirang pagtulong na may pagmumulat na gagawin sa mga pamilya na umaasa sa alalay na ibinibigay ng mga organisasyon at taong may puso kay Mang Juan. Ang laki ng pasasalamat ng mga iskolar at ni Aling Marya na tumatanggap ng ayuda kay KAL na siyang ginagamit upang mabuhay lalo sa panahon ng pandemya.
Ang kagalingan ito’y walang pagpapanggap at tahimik na ginagawa at patuloy na ginagawa para sa mga taong nagsusumikap at pagnanais na umunlad. Batid nina Mang Juan, Aling Marya at ang mga iskolar ang dalisay na pagtulong na tinatanggap kay Kuya Alex Lacson. Sa ganitong kaayusan tila pumasok sa isip nina Mang Juan at Aling Marya na kumbinsihin si KAL na palawakin ang ayuda at hinog na ang panahon para sa tuwirang pagseserbisyo sa balana’y gawin sa pagpasok sa pamahalaan. Hindi ninais ngunit ang tawag ng pagkakataon ang nagsabi na ngayon na ang panahon sa tuwirang paglilingkod ng pamahalaan sa bayan. Panahon na upang ibahagi ang mga natutunan sa akademya, sa mga development work at karanasan na pagtulong na kusang nagtulak na itaas ni KAL ang adhikain ng pagtulong. Ang pagpasok sa politika sa pamamagitan ng halalan ang tuwirang pagbibigay basbas nina Mang Juan at Aling Marya upang masuklian ang kabutihang loob ng isang Kuyang Alex Lacson.
Landas na may basbas ng bayan na siya ring basbas ng nasa itaas. Sa mga nakaraang panahon na alok na maging bahagi ng partido politikal, tuwiran ang pagtangi ni KAL dahil hindi nakikita ang sarili sa larangan na nabangit. Ngunit ang paglapit ni Mang Juan, Aling Marya na ipagpatuloy na palawakin ang natutulungan, hindi makatanggi si KAL at umimbulog sa kahilingan ng bayan. Sa pagpapasya, iisa ang nasa sa isip, malinis, walang bahid na politika ang dapat samahan. At ang prinsipyong tinatayuan ang kailangan aniban o samahan..
Sa pagsabak sa pulitika malinaw sa utak at puso na ang kapakinabangan ng bayan ang una, at ito ang nakita sa grupo ng KALimbahin. Ang pamunuan ng KALimbahin ang may dala ng prinsipyong nagtataguyod at ang tamang grupo na sasamahan dahil una ang bayan at hindi ang sarili, ang maglingkod sa pamahalaan pribilehiyo na ibibigay ng bayan na kailangang ingatan. Malinaw ang layon ng KALimbahin, ang malinis na pamamahala ang isinusulong na ‘di iba sa prinsipyong bitbit ni Kuya Alex Lacson.
Walang pagdududa na iisa ang pakay sa pamahalaan, ang serbisyong dalisay at tuwiran pakinabang ng mamamayan. Ang mga batas na napag-arala’y panahon na ibalik kay Mang Juan para sa pakinabangan. Lipunang marangal sa lahat ng Pilipino at ‘di sa iilan. Ang karanasan ng kahirapa’y kailan may ‘di malilimutan at nadala ng KALimbahin at ni Kuya Alex Lacson.
Ang pag-ibig sa bayan ang pangunahing rason ng pagsuong ni KAL sa masalimuot na larangan ng pulitika. Ang karanasang nasa utak at puso na isinulat bilang aklat na nalimbag ang gagamiting gabay sa pagsulong ng bayan kontra kahirapan. Ang turo ng ama’t ina sa murang edad ng tama at makatuwirang pagpapasya ang dapat makamit ng balana. Walang puwang ang aroganteng pahayag na bumabatikos sa kapwa dahil sa pagkakaiba ng paniniwalang tinatayuan. Malinis na pamamahala na nakatuntong sa moral na asal ang isusulong at ‘di tutulad sa mga pinuno o abogadong nagdudunong dunungan subalit ampaw ang pag-uugali.
Hindi makikita kay Kuya Alex Lacson ang pagiging arogante sa halip isinasabuhay ang kababaan ng loob gayung matalas ang mga salita na susugat sa mga taong umaapi sa maliit na kababayan. Hindi makikita kay KAL ang kayabangan sa mga pagpapahayag, sa halip ang mga tuwid na pananalita na kapupulutan ng aral ang namumutawi. Makikita kay Kuya Alex Lacson ang marangal na pagkatao na sa likod ng tagumpay batid ang kalagayan ni Mang Juan. Tunay na lingkod bayan, ang isang Kuya Alex Lacson na uunahin ang bayan bago ang sarili.
Tulad ng liderato ng KALimbahan sa pangunguna ng abalang pangulo, nagtataglay si Kuya Alex Lacson ng walang bahid na pagkatao, walang pasanin sa balikat. Ang kinalakihang serbisyo sa bayan ang dala at magdadala sa Kuya ng KALimbahin. Ang dalisay na hangarin ni Kuya Alex Lacson at ng mga kalimbahin ang dalahin sa senado. Dalhin si Kuya Alex Lacson ang utak na may puso sa senado.
Maraming Salamat po!!!