Advertisers

Advertisers

Mayor at kongresista sa Iloilo nagkagirian

0 490

Advertisers

ILOILO CITY – Dismayado si Iloilo City Mayor Jerry Trenas dahil sa pagtutol ng isang partylist representative mula Iloilo Province sa pagpapatayo ng Iloilo City Hospital o ang itinutulak na Uswag Hospital.

Ayon kay Treñas, hindi niya maintindihan kung ano ang nais mangyari ng naturang kongresista na hindi niya pinangalanan.

Kung pagbabasehan ang 2019 election results, ang nag-iisang partylist mula Iloilo ay ang AAMBIS-OWA na kinakatawan ni Sharon Garin.



Tinawag naman ni Garin na ‘unfair’ ang nasabing akusasyon kasabay ng pagpapaliwanag na hindi maaaring ipangalan ang ospital sa isang partylist kagaya ng Uswag Hospital.

Anya, maging si Iloilo City lone District Rep. Julienne Baronda ay pumabor rin sa kanyang paliwanag.