Advertisers
SORSOGON CITY – Patay ang isang barangay tanod habang sugatan ang kanyang misis nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sitio Manangi, Barangay M.R. Espinosa, Milagros, Masbate.
Ayon sa hepe ng Milagros Municipal Police Station na si Major Rustom Dela Torre, dead on the spot sa mga tama ng bala ang biktimang si Joel Ibanes Doguiles, 63 anyos; habang sugatan ang asawa nitong si Lorna, 64, Barangay Treasurer, at mga naninirahan sa Brgy Dayao, Mandaon, Masbate.
Nilinaw ng opisyal na si Ginang Doguiles ay nasugatan dahil sa pagkahulog sa motorsiklo at hindi dahil sa tama ng bala.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na habang pauwi na ang mag-asawa lulan ng motorsiklo nang dikitan sila ng riding in tandem at inutusan silang huminto, subali’t tumanggi ang mag-asawa kaya’t pinagbabaril sila ng back-rider na nagresulta sa pagkasawi ng tabod at pagkasugat ng asawa nito nang matumba ang motorsiklo.
Tinangay ng mga salarin ang bag ng biktima na naglalaman ng DBP cheques na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P100K at P6,000 cash.
Robbery hold-up ang tinitingnang anggulo sa pananambang.