Advertisers

Advertisers

Nangangamoy-romansa na talaga… Janine at Paulo bigay-todo sa halikan sa serye; Regine sumuko kina Maymay at Zsa Zsa

0 268

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAPAPAILING si Gary Valenciano sa production numbers nina Maymay Entrata, Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla para sa Amakabogera.

Kahit si Regine ay nagulat sa galing sa paggiling ni Maymay.



Kahit din si Zsa Zsa ay di nagpakabog at giling kung giling.

Ayaw  patalbog kay Maymay ni Divine Diva at kita naman sa video na parang ‘di kinaya ni Regine ang Amakabogera.

Nagkunwari naman itong nag-walk out at talagang suko ito sa galing sa gilingan nina Maymay at Zsa Zsa.

Marami ang naaliw sa productions number na ito at nang humalo pa si Pure Energy  ay mas lalong naaliw ang viewers.

Hinamon na lang ng Asia’s Songbird ng kantahan ang mga ito  kaysa makipagsayawan.



***

MAS lalong umigting ang ugong-ugong at nabuo sa isip ng netizens na tila may something na nga kina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Mainit naman kasi ang mga tagpo nang ikasal sila sa Marry Me, Marry You, ang serye na nagpalapit sa dalawa.

Pansin na todo bigay ang dalawa sa kanilang kissing scene.

May mga sitsit na take one lang ito dahil ginalingan nina Janine at Paulo.

Kaya lumakas ang haka-haka na baka nga raw  may namumuo nang magandang pagtitinginan sa dalawa.

Well, well, well…’Yun na!