Advertisers

Advertisers

Tratado kontra abuso

0 687

Advertisers

NGAYON pa lang, kumikilos na ang kampo ni BBM upang bumuo ng sariling sariling makinarya sa halalang pampanguluhan sa 2022. Tatlo ang puntirya ng kanilang kampo. Pinakauna ang network ng mga opisyales ng pamahalaang lokal (local government units o LGUs). Network nila ang mga alkalde, bise alkalde, at konsehal ng mahigit sa 1,600 bayan at mahigit sa 100 siyudad sa buong Filipinas. Kasama rin ang mga gobernador, bise gobernador; at mga konsehal ng mga lalawigan. Maaaring isama ang mga kongresista sa network na iyan.

Pangalawa ang network ng burukrasya, o ang mahigit sa dalawang milyon na mga lingkod bayan (public servants) na naglilingkod sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan. Kasama rin ang network ng mga taong nakauniporme tulad ng mahigit sa 200,000 pulis at 150,000 sundalo at auxiliary groups. Hinihingi ito ni BBM kay Rodrigo Duterte, ngunit hindi pa ito ibinibigay dahil ito ang network sana ng PDP-Laban (Cusi wing) na kandidato ay si Bong Go. Hindi pa pormal na umurong si Bong Go kahit sinabi siya na umurong siya. Lito at hilo pa sila hanggang ngayon . Puro lang porma at bunganga. Naghihintay pa sila ng deal sa kampo ni BBM.

Pangatlo ang network ng mga kapitan at kagawad ng mahigit sa 90,000 barangay sa buong bansa. Ngayon, gumagana na ang network ng barangay dahil diretso sila sa mga tao at mura lang ang bayad sa ga opisyales at kagawad. Sa maraming barangay sa Metro Manila, kumikilos ang mga ilang kagawad at nangangalap ng kasapi sa kanilang I am 4 BBM Volunteers. Bibigyan ng form ang mga tao at P3,000 sa bawat sasapi at pipirma sa form. Ipinamimigay ang form na ito sa isang barangay sa Paranaque City at Las Pinas City.



***

SALAMAT sa Diyos at hindi nanalo si Harry Roque bilang isang kandidato ni Rodrigo Duterte sa International Law Commission (ILC). Kulelat si Harry Roque sa mga nagtunggaling kandidato bilang direktor ng prestihiyosong sangay ng United Nations. Tatlumpu’t apat ang bakanteng pwesto na bubuo ng pandaigdigang ILC sa susunod na taon. Walo ang manggaling sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Umani ng santambak na kangkong at kamote si Harry Roque dahil kulelat siya mga nagtunggali. Pinagtawanan si Harry. Nililibak at walang mukhang ihaharap.

Dapat na natalo si Harry Roque. Walang katwiran na maging kasali ng pamosong organisasyon. Magkakalat si Harry Roque doon hindi siya nababagay sa ILC. Kinakatawan ni Harry Roque ang kasalukuyang bumaligtad sa daloy ng kasaysayan. Masahol sa human wrong si Harry dahil pinipilit niyang bumalikwas sa agos. Sa kabatiran ni Harry, may natapos na panukalang tratado ang ILC tunghol sa pagsupil sa pang-aabuso ng mga mapaniil na lider sa mga krimen kontra sibilyan. Treaty on Prevention and Punishment of Crimes against Humanity – ito ang pamagat ng panukalang tratado na natapos ng ILC noong 2019.

Walang armas ang sibilyan upang labanan ang lider na nasa kapangyarihan at gumagamit ng kanilang poder upang magmalabis, apihin, at gapihin sila. Dahil wala silang armas, hindi nila maipagtanggol ang kanilang sarili. Kadalasan, hindi sapat ang sariling mga batas upang habulin ang mga salarin na mga pinuno ng kanilang bansa. Kailangan pang bumaling ang kanilang mamamayan sa suporta na nanggaling sa ibang bansa.

Naitayo ang International Criminal Court (ICC) noon pang 2003 ngunit hindi ito sapat upang maiwasan ang pagmamalabis ng mga pinuno. Ipinanukala ang pagkakaroong pandaigdigang hukuman na lilitis sa mga nagkakasala ng krimen sa sangkatauhan dahil sa karanasan ng Nazi Germany noon Ikalawang Digmaan Pandaigdig kung saan nilipol ang mahigit anim na milyon Hudyo at Inalipin ang mahigit sa pitong milyon na manggagawa mula sa karatig bansa na sapilitang dinala sa Alemanya upang magtrabaho sa mga pabrika ng armas doon. Inabot ng lampas 50 taon ang pagtatayo ng ICC dahil sa Cold War sa pagitan ng Estados Unidos at nabuwag na Unyon Sobyet.



Nililinaw ng panukalang tratado na isang seryosong usapin ang krimen sa sangkatauhan at kailangan magkaroon g ng isang pandaigdigang kasunduan upang maiwasan ang mga krimen sa sibilyan na tulad ng mga krimen na nakasaad sa Article 7 ng Rome Statute, ang naunang tratado nu bumuo sa ICC. Ito ang mga krimen ng murder (pagpatay); extermination (paglipol ng isang lipi, lahi, o uri ng mga tao; enslavement (pang-aalipin); deportation or forcible transfer of population (sapilitang paglilipat ng populasyon mula sa isang bayan papunta sa ibang bayan); imprisonment or other severe deprivation of physical liberty in violation of fundamental rules of international law (pagkukulong na lumalabag sa mga batas sa kalayaan ng isang tao o batas sa international law.

Uusigin ang mga lider na nagkakasala ng torture (pambubogbog sa mga mga mamamayan); rape, sexual slavery, enforced prostitution, forced pregnancy, enforced sterilization, or any other form of sexual violence of comparable gravity (panggagahasa at sapilitang pang-aalipin sekswal); persecution against any identifiable group or collectivity on political, racial, national, ethnic, cultural, religious, gender, or other grounds that are universally recognized as impermissible under international law (panggigipit sa anuman grupo ng mga mamamayan); enforced disappearance of persons (sapilitang pagkawala ng mga mamamayan); krimen ng apartheid (paghihiwalay ng sambayanan dahil sa kulay ng balat); at iba pa.

Kinilala ng panukalang tratado na isa sa pinakamalubhang krimen ang crime against humanity (krimen kontra sangkatauhan) at kinilala ang karapatan ng bawat bansa na usigin ang sinman lider na lumalabag sa mga karapatan ng bawat mamamayan. Obligasyon ng bawat estado sa ilalim ng panukalang tratado ng gumawa ng mga batas at polisiya na magbabawal sa ganitong krimen. Walang katwiran na gawin ang krimen sa ito.

***

MGA PILING SALITA: “Ibang klase ang nakawan ngayon sa gobyerno. Palaging nasa bilyones. Hindi na milyon-milyon lamang. Mahihiya si Batman.” – PL, netizen

“The 1987 Constitution has enshrined the multi-party system, where various political parties theoretically vie for political power. But political parties are not really political parties by the strictest sense of the phrase. They have been grabbed and controlled by political families. They have become convenient political vehicles by certain political families. What we have is a multi-family system.” – PL, netizen

“I want journalists to die old.” – Dmitry Muratov, Russian journalist at 2021 Nobel Peace Prize Awardee

“An invisible atom bomb exploded in our information ecosystem, and the world must act as it did after Hiroshima. Like that time, we need to create new institutions, like the United Nations, and new codes stating our values, like the universal declaration of human rights, to prevent humanity from doing its worse. It’s an arms race in the information ecosystem. To stop that requires a multilateral approach that all of us must be part of. It begins by restoring facts.” – Maria Ressa, 2021 Nobel Peace Prize Awardee

“Our greatest need today is to transform that hate and violence, the toxic sludge that’s coursing through our information ecosystem, prioritized by American internet companies that make more money by spreading that hate and triggering the worst in us… well, that just means we have to work much harder. ” – Maria Ressa in her acceptance speech of the Nobel Peace Prize in Oslo