Advertisers

Advertisers

Tuloy ang ‘Bayanihan’: Vulnerable sectors sa QC inayudahan ni Bong Go

0 281

Advertisers

SA patuloy na pagsisikap na matulungan ang mga bulnerableng sektor na malalang naapektuhan ng COVID-19 crisis, inayudahan ng grupo ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga indibidwal na humihingi ng suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Central Office sa Batasan Complex, Quezon City.

Sa kanyang video message, hiniling ni Go sa bawat isa na patuloy na sundin ang mandatong health and safety protocols habang hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagbalanse sa ekonomiya at pampublikong kalusugan.

“Napakaimportante po na ma-contain natin ang virus. Huwag tayo maging kumpiyansa dahil hindi natin kakayanin kung lalong tataas ang bilang ng mga kaso. Marami ang maapektuhan at mawawalan ng trabaho kung magsasara muli tayo,” ani Go.



“Sa ngayon, ginagawa namin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat upang balansehin ang ekonomiya at public health. Ayaw namin may nahihirapan pero kung sakali tataas ang mga kaso, ang magiging pangunahing konsiderasyon namin sa bawat desisyon ay ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino,” idinagdag ng senador.

Nasa 100 recipients ang binigyan ng food packs, computer tablets, bagong sapatos at DSWD financial assistance.

Nag-alok din ang senador ng suporta sa mga nangangailangan ng medical attention at pinayuhan niya sila na i-avail ang serbisyo ng nasa 31 Malasakit Centers sa Metro Manila, partikular ang nasa Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Veterans Memorial Medical Center, Philippine Orthopedic Center, at National Children’s Hospital na pawang nasa Quezon City.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop na maaaring lapitan ng mahihirap at indigent patients para mabigyan sila ng medical assistance ng mga ahensiya kagaya ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Sinimulan namin ang programang ito dahil ayaw naming pinapahirapan kayo. Dito niyo makikita ang puso ni Pangulong Duterte para sa mga mahihirap. Binabalik namin ang pera ninyo sa inyo sa pamamagitan ng mas mabilis at maayos na serbisyo,” paliwanag ni Go.



“Masaya akong sunud-sunod ang pagbubukas ng mga Malasakit Centers. Tiwala ako na magiging malaking tulong ito sa ating mga kababayan, lalo na sa mga walang matakbuhan at maaasahan kundi ang gobyerno,” anang mambabatas.

Lubos na pinasalamatan ni Go ang local government officials ng Quezon City sa kanilang pagseserbisyo sa publiko at vulnerable constituents nito sa harap ng health crisis.

“Maraming salamat po sa national government agencies at LGU na tumulong, huwag niyo pong pabayaan ang ating mga kababayang mahihirap,” ayon kay Go.