Advertisers

Advertisers

“Sky Shot, kampeon sa Presidential Gold Cup”

0 290

Advertisers

HINIRANG na isa sa pinakamahusay na kabayo ngayong taong 2021 si Sky Shot matapos sikwatin ang titulo sa PHILRACOM-PCSO Presidential Gold Cup na ginanap sa Metro Manila Turf, Malvar, Batangas, Linggo ng hapon.

Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez, nakipagtagisan ng bilis sa unahan si Sky Shot kay Gusto Mucho habang ang couple entry nitong si Boss Emong ay dinidikitan ang mahigpit nilang katunggali na si Super Swerte sa pang anim na puwesto.

Papasok ng home stretch ay nagkapanabayan na ang magka-kuwadrang Sky Shot at Boss Emong at pinagitnaan nila si Super Swerte.



Hindi natinag sa unahan si Sky Shot, umungos ng bahagya sa huling 100 metro ng karera kaya kahit malakas ang dating ni Nuclear Bomb ay nauna pa ring tumawid sa meta ang anak nina Juggling Act at Lamborghini.

“Ini-expect ko manalo si Sky Shot, masaya kami ngayong araw, (Sunday),” saad ni Diokno.

Nirehistro ni Sky Shot ang 2:05 minuto sa 2,000 meter race sapat upang angkinin ng horse owner na si Edward Diokno ang P6M premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Segundo si Nuclear Bomb habang tersero si Super Swerte na nag-uwi ng tig P2M at P1M ayon sa pagkakasunod.

Dumating na pang-apat si War Cannon at pang-lima ang last year champion Pangalusian Island na humamig ng tig P500,000 at P300,000 ayon sa pagkakasunod habang P500,000 ang kinubra ng breeder ng winning horse.-Marlon Bernardino-

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">