Advertisers

Advertisers

PAGADIAN O KAPATAGAN?ZAMBOS OR MIS OR?

Sino ang magtutuos sa finals ng Chooks VisMin?..

0 222

Advertisers

PINAUWI ng home team Pagadian ang No.7 seed MFT Iligan sa dominanteng 105-78 panalo sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge quarterfinals kamakalawa ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.

Bunsod ng panalo, naisaayos ng Explorers ang knockout semifinals match kontra sa No.3 seed BYB Kapatagan ngayong Lunes ganap na 6:30 ng gabi.

Matikas na nakihamok ang Archangels sa unang bahagi ng laro tungo sa 37-40 iskor sa halftime. Subalit, nagliyab ang opensa ng Pagadian sa third period sa naiskor na 30 puntos para hilahin ang bentahe sa 70-52 tungo sa endgame.



Hindi na nagabangon ang Iligan para makumpleto ng Pagadian ang dominasyon.

“Hindi ko na sila kailangang pagalitan, professional na sila. Basta dumepensa sila, mag box out at huwag maliitin ang kalaban,” pahayag ni Explorers head coach Gherome Ejercito.

Hataw si Judel Fuentes sa Pagadian na may 19 puntos, tampok ang limang three-pointer, limang rebounds at apat na assists.

Sa iba pang laro, tuluyang hiniya ng BYB Kapatagan ang Mindanao champion Basilan BRT sa 64-60 desisyon.

Makakaharap ng Buffalos sa one-game semifinals ang Pagadian,



“Nag-relax kami down the stretch. Kaya nga nagalit ako sa kanila eh sabi ko hindi pwedeng mag kumpyansa dito sa playoffs,”sambit ni Kapatagan head coach Jaime Rivera lamented.

Kumubra si Gayford Rodriguez sa Buffalos na may 15 puntos.

Samantala, nanaig ang twice-to-beat Zamboanga Sibugay sa No.5 seed Roxas, 68-60.

Mapapalaban ang Anak Mindanao Warriors sa top seed Globalport-MisOr sa knockout semifinals na inilalaro pa as of presstime.(Danny Simon)