Advertisers

Advertisers

Beybi lumuluha ng dugo sa SoCot

0 332

Advertisers

Ang luha ng kaligayahan ng isang ina nang isilang niya ang kaniyang anak na babae, napalitan ng pangamba nang biglang lumuha ng dugo ang bata.

Sa ulat, nitong nakaraang Oktubre nang isilang ni Jeofannie ang kaniyang anak na babae sa Tupi, South Cotabato.

Pero pagsapit nitong Nobyembre, napansin ni Jeofannie na may pulang likido na lumabas sa mga bata ng kaniyang anak nang umiyak ito nang malakas.



Ayon sa duktor na kanilang tinanong, may impeksiyon lang ang bata at binigyan sila ng cream na pamahid sa mata ng sanggol.

Gayunman, nagpatuloy pa rin ang pagdurugo ng mga mata ng sanggol tuwing iiyak ito nang malakas.

Ang ibang residente, inaakala na may milagrong nangyayari sa bata.

Naiisip din ni Jeofannie na baka may kinalaman ang madalas niyang pag-iyak noon habang ipinagbubuntis ang kaniyang baby nang malaman niyang may ibang babae pang nabuntis ang kaniyang kinakasama.

“Ang ikinakatakot ko po baka bigla siyang mabulag, biglang may sugat yung mata niya,” sabi ni Jeofannie.



“Gusto ko ako na lang yung may ganung sakit kaysa sa kaniya. Kasi sobrang hirap na nakikita siyang ganun,” ayon pa sa ina.