Advertisers

Advertisers

Survivor ‘person of interest’ sa brutal na pagpatay sa mag-utol sa Cotabato

0 404

Advertisers

NASA kostudiya ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Mlang Cotabato ang dalagitang nakaligtas at pinsan ng magkapatid na pinatay.

Tinuturing na “person of interest” at “material witness” si alyas Christine.

Paiba-iba umano ang pahayag ng dalagita at hindi magkatugma.



Noong pinatay sina Crizzle Gwynn Maguad, 18 anyos; at kapatid na si Crizzule Luois Maguad,16, nakatakbo umano at nagtago sa kwarto si Christine kaya nakaligtas.

Nakapag-post pa sa facebook ang dalagita na humihingi ng tulong dahil ayaw pa nitong mamatay.

Nang magresponde ang mga pulis at BPAT, nakatakas na ang mga salarin.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hindi na makita ang cellphone ng survivor at balisa.

Maaaring na-trauma ang dalagita at paiba-iba ng testimonya dahil sa nasaksihan niyang krimen.



Pero sabi ng mga kapitbahay nagawa pang maligo ng dalagita kahit may mga bangkay nang nakahandusay sa loob ng bahay at hindi manlang tumawag ng saklolo.

Marami rin ang naniniwala na kung motibo ng mga salarin na magnakaw hindi brutal ang pagpaslang sa mga biktima o hindi papatayin.

Sa ulat, may matinding galit ang mga salarin sa magkapatid dahil nagtamo ito ng mahigit 20 sugat sa pananaksak, minartilyo pa ang kanilang ulo at pinalo ng baseball bat.

Kinompirma rin ni Cotabato Police Deputy Provincial Director at Special Investigation Task Group Maguad Spokesman Lieutenant Colonel Bernand Tayong na may mga ‘person of interest’ pa sila bukod kay Christine sa pagpaslang sa magkapatid kung saan 90% solved case na.