Advertisers

Advertisers

Tanod, binaril-patay sa harap ng barangay hall

0 504

Advertisers

PATAY ang isang barangay tanod nang barilin sa harap ng barangay hall sa Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Wilson Remoblas, tanod ng Barangay Piaz.

Tumakas ang nakilalang salarin na si Melvin Obaldo.



Sa kuha ng CCTV, makikita na isang motorsiklo at tricycle ang dumating sa barangay hall.

Ayon sa isang saksi, nagpaparesponde sa isang kaguluhan ang dumating na mga lalaki.

Pero nagkaroon ng komosyon nang biglang nagpaputok ang isang lalaki at sinita ng tanod na humantong pamamaril.

“Biglang dumating si Kagawad Ampog para sabihin na may rerespondehan kaming nanggugulo sa dike,” anang saksi.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at tiyan ang tanod.



Sasampahan ng kasong murder ang tumakas na si Obaldo. Napag-alaman din na hindi lisensiyado ang baril nito.