Advertisers

Advertisers

“Walang malungkot na Pasko sa pamilyang Manilenyo” – Isko

0 227

Advertisers

“WALANG malungkot na Pasko sa pamilyang Manilenyo. Ayokong danasin ninyo ang dinanas ko.”

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno at ginarantiyahan na ang “Noche Buena” food packages na inilaan ng pamahalaang lungsod sa bawat tahanan ay makakarating bago mag-Pasko.

“Itatawid namin kayo ni Vice Mayor Honey Lacuna. Walang magugutom, walang malungkot na bahay pag Pasko,” sabi ni Moreno kasabay ng anunsyo na matatapos na ang pamimigay ng mga packages.



Ayon sa alkalde, tiniyak niya na ang mga Christmas packs ay maglalaman ng mga basic food items na karaniwan nang hinahanda tuwing bisperas ng Pasko at ito ay ipinamahagi sa bawat tahanan upang matulungan ang mga pamilya na kapos ang budget na panghanda sa kanilang Noche Buena.

“Inagahan na namin para wala nang agam-agam na me handa ba ‘ko sa Pasko? Ano ba uunahin ko, regalo sa anak o kakainin sa Pasko? Mahirap ‘yung nagpa-Pasko ang kapitbahay mo tapos wala kang maihain sa mga anak mo. Ayoko mangyari sa inyo ‘yun,” buntonghininga ni Moreno.

Sinabi ng alkalde na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay naghatid ng nasabing food packages sa may 700,000 pamilya.

Idinagdag pa ni Moreno na silang dalawa ni Lacuna ay patuloy na ipaaalam at ipadarama sa mga Manilenyo na mayroon silang gobyerno na kumakalinga sa kanila, lalo na sa mga kapos sa buhay.

“Lalo pag holiday, gusto mo maramdaman walang magugutom sa Maynila. Para maramdaman na kahit pa ano ang mangyari, me mapagsasaluhan kayo sa Pasko,” sabi ni Moreno.



Idinagdag pa nito na : “ Ang nanay ko, bibili ng Coke litro, panis na hotdog sa Divisoria at slices ng hamon o ‘yung talsik. Ayokong danasin n’yo ‘yun. Mahirap maging mahirap.”

Samantala, sinabi ni Moreno na ang 150,000 senior citizens sa Maynila ay tatanggap din ng Christmas packs na naglalaman ng cookies, mug, premium hot cocoa mix at black rice mula sa mga magsasaka sa Mindanao. (ANDI GARCIA)