Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MARAMI ang na-touch sa kuwento ni Karla Estrada sa hirap na pinagdaanan nila ng anak na si Daniel Padilla noong bata pa ang actor.
Muling binalikan ni Karla ang pinagdaanan nilang hirap nang ma-interview siya ni Toni Gonzaga at isa nga rito ay nang maputulan sila ng kuryente na kinailangan nilang magpalitan ni Daniel ng pagpapaypay sa mga kapatid nito.
Binulgar din ni Karla, pagkatapos ni Daniel magpaypay ay tumatalikod ito at naririnig niyang humihikbi.
Tanong ni Toni kay Karla kung bakit umiyak si Daniel noon at ang sagot nito ay hindi na raw niya nalaman pa kung bakit dahil ayaw na raw niyang maging dahilan pa ito na ikakalungkot ng anak kaya hindi na niya tinatanong.
May pagkakataon din na habang nasa isang audition si Daniel sa ABS-CBN ay nagsabi raw ito sa isang staff na kung puwede siyang unahin dahil kailangan niya makauwi para magsaing at walang magbabantay sa kanyang mga kapatid.
Well, hindi na nakapagtataka kung bakit sinuwerte at may tinatamasang tagumpay si Daniel sa kanyang pinasok na showbiz career.
Ang isang mabuting anak at kapatid ay talagang pinagpapala.
Kaya naman nang magkaroon ng maraming project ay siniguro na Daniel na magiging mabuti ang kalagayan ng kanyang mga kapatid. Nagpatayo ng malaking bahay para tirhan ng mga kapatid at magulang. Binigyan ng sariling sasakyan ang mga kapatid atbp pangangailangan ng mga mahal niya sa buhay.
***
Direk Brillante puro hubaran ang pinagkakaabalahan
Mapangahas at matatapang na mga pelikula ang ipinalalabas ngayon sa Vivamax.
Hubad kung hubad at minsan ay may frontal pa ang mga lead star.
Makikita ultimo plaster na itinatakip sa maselang parte ng katawan ng mga artista na sumasabak sa mga daring scene na dahil siguro sa tipid ang budget ay hindi na nagagawang linisin para hindi mapansin.
Ito ang pelikulang super tipid sa budget na nagagawa lang pito o less pa sa shooting days.
Pati ang award winning director na si Brillante Mendoza ay nakisali at nakiuso na rin. Siya ngayon ang paboritong director ng Viva Films para sa mga pelikulang napapanood ngayon sa Vivamax
Palabas ngayon sa Vivamax ang pelikulang Palitan na talaga namang umaatikabo ang mga eroric scene.
Bigay na bigay at game na game ang mga baguhang artistang ipinakilala ng Viva na sina Jela Cuenca, Cara Gonzales at Rash Flores.
Bukod sa Palitan ay may iba pang movie na natapos si Direk na nakatakda rin ipalabas sa Vivamax, gaya ng Sisid nina Kylie Verzosa, Christine Bermas atbp..Diyan din ang Bahay na Pula nina Jiulia Barretto, Marco Gumabao at Xian Lim.
Tinanggap ni Direk Brillante ang offer dahil binigyan siya ng Viva ng kalayaan gawin kung anong gusto niyang gawin sa mga pelikulang ididirek.
Anyway, sa mga pelikulang ganyan ay hindi na nakagugulat kapag nabalitang may eksenang love scene na nagiging totohanan, gaya ng nangyaring love scene nina AJ Raval at ng mapalad nitong kapartner.
***
Beatrice kinabahan sa Q&A
Kahit hindi nakamit ni Beatrice Luigi Gomez ang korona ng Miss Universe 2021 ay masaya na rin ang beauty queen dahil nakaabot siya sa Top 5 at malaking karangalan na ito para sa kanya.
Sa nasabing prestigious pageant na ginanap sa Eilat, Israel ay nanalo nga ang early favorite na si Miss India na si Harnaaz Kaur Sandhu na bukod sa maganda ay matalino pa.
Sa naging panayam ni Dyan Castillejo ay sinabi ni Bea na ginawa na niya ang lahat ng kanyang makakaya.
“Well, I`m just really happy that I was able to deliver a really good performance for the Filipino, especially that majority of the audience are Filipinos.
“Of course, I wanted to show them what we are capable of, really just do my best. “So, I`m very satisfied with everything that I did and no regrets. Alam kong naibigay ko lahat so walang mga doubts and I`m really happy that we were able to reach the Top 5,” pahayag ni Beatrice.
Inamin din ng beauty queen na hindi niya in-expect ang mga tanong sa Top 5 finalists pero kuntento naman daw siya sa kanyang naging sagot.
“Ini-enjoy ko lang po yung tanong, at the same time kinabahan po ako kasi ako. I didn`t expect lang na ganun ang mga question. I thought it was more about our personality. Yun lang. But actually, I was contented with my answer, satisfied naman how everything went well,” aniya.
Walang inggit at tanggap ni Beatrice ang pagkapanalo ni Miss India. Alam daw niya na ito ang tatanghaling bagong MIss Universe.
“Si Miss India, she`s one of our roommates and we all knew siya po talaga yung mananalo. We are all rooting for her. Kasi nga she works really hard and there are even times na sobrang pressured na tinutulungan namin siya.
“So, we`re very happy for her. We know what she`s capable of and we`re very happy with the result, We`re proud of her,” say pa ng aminadong bisexual beauty queen.
Samantalang marami ang nagtatanong kung nakatulong o nakasira lang kay Beatrice ang pag-amin na isang bisexual.