Advertisers

Advertisers

ANGEL AT ANNE NANGUNGUNA SA LISTAHAN NG TATLER ASIA’S MOST INFLUENTIAL

0 291

Advertisers

Ni BETH GELENA

NANGUNGUNA sa.listahan ng Tatler Asia’s Most Influential Celebrities sina Angel Locsin, Anne Curtis lead Kapamilya stars in Tatler Asia’s Most Influential list na featured ang 300 Filipino personalities mula sa showbiz stars to business executives.

Makikita rin.ang mga pangalan ng showbiz personalities sa website ng Tatler.



Ito.ay sina John Arcilla, broadcaster Karen Davila, at Miss Universe winners Catriona Gray, and Pia Wurtzbach.

Nasa listahan.din.ang pangalan ng.ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, at Creative Programs Inc. president Ernie Lopez.

Nagpasalamat.si Angel thru her Instagram.

She express her gratitude for her inclusion in the list: “Thank you for this humbling recognition @tatlerasia @tatlerphilippines. Huge respect for all the esteemed individuals part of #AsiasMostInfluential.”

Hindi ito ang unang beses na nasama ang pangalan ni Angel sa Tatlet



Yeat 2020  nahirang  sia bilang “Leaders of Tomorrow” sa fifth edition ng Tatler Asia’s Gen T list.

Samantala, very humble.naman si Anne dahil nahanay siya mga respected Filipinos in different fields.

“Always honoured to be alongside such respected individuals in their own fields. Thank you for this recognition @tatlerasia @tatlerphilippines,” pasasalamat ni Anne.

Ang iba pang celebrities na  ni- recognize ngTatler ngayong  taon.ay sina Isabelle Daza, Moira dela Torre, Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Martin Nievera, Korina Sanchez, Lea Salonga, Gary Valenciano, at Regine Velasquez.

***

ELLEN GUMAGASTOS NG DOLYARES PARA LANG SA BTS

MALAPIT na palang mapaso ang kontrata ni Derek Ramsay sa GMA-7 nitong 2022.

Sa ilang taong inilagi ng aktor sa Kapuso network ay iisa lang ang ginawa niyang teleserye, ang The Better Woman.

Kapareha niya si Andrea Torres na naging girlfriend niya.

Nang natapos ang kanilang teleserye, natapos na rin ang relasyon ng dalawa.

Ngayon ay mag-asawa na sila ni Ellen Adarna.

Ayon sa  actor, sa pamilya raw muna siya magpo-focus.

Sa isang panayam, sinabi ni Derek na hindi raw muna siya gagawa ng drama series.

“No plans talaga for now. Next year may international movie ako. So, focus ako dun,” wika ni Derek.

“Pahinga muna ako from teleserye. Alam mo naman ako, sinabi ko sa mga interview na ‘pag nag-umpisa na ako ng pamilya, talagang ‘yun ang focus ko. So, ‘yan kakakasal lang namin. Wala eh. Hindi ako makaka-focus sa ibang bagay kundi pamilya ko. I really need to just take a break and enjoy the next chapter of my life,” dagdag pa niya.

Bukod sa international film na gagawin ng aktor, gusto rin daw muna niyang ituloy ang honeymoon nila ni Ellen sa Africa.

Balak daw nilang umalis patungong Africa bandang second week of January next year at isasama raw nila ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si  Elias.

“Gusto namin ma-experience ni Elias ‘yung na-experience namin. Pinag-iisipan namin ni Ellen ito eh, na kung nandun na kami tapos ‘yung mga makikita namin iwi-wish siyempre na makita ni Elias ‘yun. ’Yung Safari, once mo lang gagawin  ‘yun eh. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya,” esplika ng mister ni Ellen.

Gusto rin daw sana nilang isama ang panganay niyang anak na si Austin, kaya lang ay hindi raw kayanin dahil nag-i-school na ito.

Kwento pa niya, masaya raw ang kanilang pagsasama ni Ellen mula nang kinasal sila.

Hindi raw sila nag-aaway at ini-enjoy lang daw nila ang pagpa-prank sa isa’t isa.

Kuwento pa niya, naloloka raw si Ellen sa kapapanood ng online concert ng BTS.

Mamahaling ticket na VIP pa raw ang binibili at hindi lang minsan kundi four times daw niyang pinapanood ito.

“Alam n’yo magkano ang ticket ng BTS, 1,500 dollars. Tapos 4 days. Magkano na ‘yun 6k dollars?” pambubuko ng aktor sa maganda niyang misis.