Advertisers

Advertisers

P45,750,000 PEI para sa mga empleyado ng City Hall, pirmado na ni Isko

0 310

Advertisers

GOOD news sa lahat ng Manila City Hall employees .

Nilagdaan na Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno ang Ordinance No. 8795 na nagkakaloob ng kabuuang P45,750,000 bilang Productivity Enhancement Incentive (PEI).

Ayon kay Moreno, sakop ng nasabing budget ang lahat ng mga empleyado regular, contractual at job order at ibibigay ang incentive tamang-tama sa Kapaskuhan.



“This is our simple way of saying thank you for all the effort and sacrifices you have offered this year in the name of public service,” sabu ni Moreno.

Kaugnay ng pangyayaring ito ay inanunsyo ni Moreno na natapos na ng pamahalaang lungsod ang pamimigay ng “Pamaskong Handog sa bawat Pamilyang Manilenyo” nitong nakaraang Huwebes.

“Maraming salamat po kina City Engineer Armand Andres, Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje at Department of Public Services head Kenneth Amurao at sa mga bumubuo ng kanilang tanggapan sa inyong sipag at malasakit para sa ating mga kababayan.Umasa po kayo mga minamahal naming mga Batang Maynila na tuloy-tuloy po ang aming mabilis na pagkilos ni Vice Mayor Honey Lacuna para ipadama sa inyo na tuloy at masagana ang Pasko sa Maynila!,” pahayag ni Moreno.

Ang Christmas packages ay nai-deliver na sa may 896 barangay sa Maynila kung saan mayroong 700,000 pamilya ang nabigyan. Ito ay naglalaman ng m food items na karaniwan ng inihahanda sa tuwing bisperas ng Pasko.

Alinsunod sa guidelines na ipinalabas ng Department of Budget and Management sa pagpayag na magbigay ng PEI sa mga government personnel, ang P5,000 ay ipagkakaloob sa mga government employees na nakapagtrabaho ng kasiya-siya sa loob ng apat na buwan.



Sakop nito ang lahat ng posisyon ng civilian personnel maging ito man regular, casual, o contractual , appointive o elective, full-time o part-time; opisyal at empleyado ng Local Government Units (LGUs) at military personnel.

Layunin ng PEI i- improve ang productivity ng isang manggagawa ng gobyerno. Ito ay ibinibigay sa mga empleyado kabilang na ang pagtaas ng sweldo na nakatakda sa burukrasya at gayundin ng iba pang benepisyo. (ANDI GARCIA)