Advertisers

Advertisers

NUEVA ECIJA WAGI VS SARANGGANI SA CHOOKS MPBL

0 238

Advertisers

INILATAG ng Nueva Ecija ang triple-offense ng front-court para maisalba ang matikas na paghahabol ng Saranggani tungo sa 99-92 panalo sa Pool C elimination round ng 2021 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League Invitational powered by TM nitong Linggo sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumamada ng kabuuang 46 puntos sina Michael Mabulac, JP Sarao, at Byron Villaries para suhayan ang Rice Vanguards sa mainit na ratsada ng karibal sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa liga na ganap ng professional matapos bigyan ng sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

Sa kabila nito, dismayado si head coach Carlo Tan sa naging sitwasyon ng Nueva Ecija.



“I feel the players played not so good in general but offensively, we were really good,” pahayag ni Tan. “There are some things that we need to clean up defensively.”

“We really had 10 days to work with this team. It’s still a work in progress,” aniya, patungkol sa naitalang 47 percent shooting ng Sarangani.

Nanguna si Mabulac sa Nueva Ecija na may 17 puntos at anim na rebounds, habang kumana si Sarao ng 15 puntos at tumipa si Villaries ng 14 puntos, tampok ang apat na three-pointer.

Kumasa si Macky Acosta sa Sarangani sa nakubrang 17 puntos, habang tumipa si Marvin Lee ng 15 puntos at nag-ambag sina Paul Sanga at Gabby Espinas ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kapwa nakaisa ang Nueva Ecija at San Juan-Go for Gold AICC sa kanilang grupo, habang kabiguan ang panimula ng Sarangani at Val City-MJAS Zenith. Sunod na haharapin ng Nueva Ecija ang Val City sa Huwebes.(Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">