Advertisers
TINULDUKAN ng Philippine national football team ang kampanya nito sa AFF Suzuki Cup sa panalo kontra Myanmar sa score na 3-2.
Magtatapos sa ikatlong puwesto ang Philippines Azkals na may record na 2-0-2 win-draw-loss.
Bigo naman ang Filipino booters na umusad at ma-secure ang semifinals matapos ang pagkatalo sa host na Singapore at Thailad.
Ang dalawang bansa ay parehong pasok sa susunod na round kasama ang Indonesia at Vietnam.
Sa laro ng Pilipinas at Myanmar ay sinolo ng naturalized Spanish striker Bienvenido Marañon ang tatlong puntos para maipanalo ang match na ginanap sa Bishan Stadium sa Singapore.
Nakumpleto ni Marañon ang hat-trick at na-convert ang goals sa ika-16, ika-19 at ika-45 na minuto ng laro.
Natapos din ang kampanya ng Myanmar sa 1-0-3 win-draw-loss card.