Advertisers
HINDI ko maintindihan bagama’t pilit kong inuunawa kung bakit galit na galit si Pangulong Rody “Digong” Duterte kay Senador Richard “Dick” Gordon sa pag-iimbestiga ng Senado sa maanomalyang pagbili ng gob-yerno sa facemask at face shields.
Oo! Sa bawat pagsasalita ni Digong sa publiko, isinisi-ngit niya talaga ang paglait at pagmura kay Dick. Muhing muhi siya kay Dick. Korap daw si Dick. Magnanakaw si Dick. Mayabang si Dick. Sasampalin nya raw si Dick pag nagtagpo sila. Hehehe…
Ano ba ang ikinagagalit ni Digong kay Dick eh iniim-bestigahan lang naman ng Senate Blue Ribon Committee ni Dick ang sinasabing “mother of all corruptions” na pagbili ng gobyerno ng facemask at faceshield kungsaan halos P10 billion taxpayers money ang ginamit dito.
Ang mga nasa likod kasi ng grabeng katiwaliang ito ay ang mga taong dikit kay Digong tulad nina Christopher Lao, dating Assistant Secretary ng Department of Budget (DBM); at dating Presidential Economic Adviser Michael Yang, isang Chinese national na isinasangkot din sa iligal na droga.
Pinagbawalan ni Digong ang mga opisyal ng gobierno mula sa PS-DBM at BIR na pumunta sa patawag ng Senado para sa imbestigasyon sa kompanyang Pharmally na siyang sangkot sa pagbili ng maanomalyang facemasks/faceshields.
Ang Pharmally, ayon sa rekord nito sa Securities and Exchange Commission (SEC), ay may puhunan lamang na higit P600K pero nagawang pagkatiwalaan ng gobyerno (PS-DBM) sa halos P10 billion na halaga ng facemasks/faceshields kahit na ilang buwan palang itinayo ang kom-panya na financed daw ni Michael Yang.
Sa kasalukuyan, ang ilang opisyal ng Pharmally ay ipinakulong ng Senado sa Pasay City Jail, habang ang ilan pa ay nakatakas at nagtatago.
Ang magkapatid na Pharmally executives na nakakulong ngayon sa PCJ ay nahuli habang patakas sa Davao City, lilipad sana gamit ang private jet patungong ibang bansa.
Bakit kaya sa Davao City pa nagtago ang magkapatid na Pharmally Execs?
Dahil sa patuloy na pagkakalkal ni Dick sa katiwaliang ito, hindi rin siya tinitigilan ni Digong sa kauupak sa bawat pagsasalita nito sa harap ng kamera.
Ano sa tingin ninyo? Bakit galit na galit si Pangulong Digong sa ginagawa ni Senador Dick?
Hindi ba dapat ay matuwa si Digong sa ginagawa ni Dick dahil iyon naman ang ipinangako niya sa sambayang Filipino noong 2016 election campaign: Ang sugpuin ang korapsyon sa gobyerno, ipakulong ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, at wakasan ang iligan na droga sa loob ng 3 to 6 months.
Matatapos na ang anim na taon na termino ni Digong sa Hunyo 30, 2022, anim na buwan mula ngayon, pero wala manlang itong napakulong na korap gayung napakarami nang nangyaring pangungulimbat sa kaban ng bayan. Sa halip, prinoteksiyunan at nilinis pa niya ang bawat opi-syal na sangkot sa pandarambong.
Ano-anong gov’t. agencies ba ang nasangkot sa bil-yon bilyong korapsyon? DoH, PhilHealth, PCSO, Tourism, Agriculture, DoE, PS-DBM, DICT, DoTr, DSWD, BoC, DPWH, DepED, ano pa? Halos lahat ng ahensiya ay may missing funds o maling paggamit ng pondo, ayon sa CoA. Pero sa halip na paimbestigahan, ang CoA pa ang inaway ni Digong.
Dapat hindi na tayo maghalal ng katulad ni Digong sa 2022. Dapat!