Advertisers
LIMANG miyembro ng isang pamilya nang nalibing ng buhay sa pagguho na lupa dulot ng bagyong Odette sa Agusan del Sur.
Apat pa lamang sa katawan ng mga biktima ang narekober na kinilalang sina Pirelyn C. Sanico, Proylan A. Cabalquinto, Pejie A. Cabalquinto at Arvie A. Cabalquinto.
Nawawala pa sina Jaypol M. Sanico, Ploralyn A. Cabalquinto, Babyjane A. Cabalquinto, Robert A. Cabalquinto, Zachary Peljay C. Sanico, Ziariah C. Sanico, at Prince Rendel C. Calang.
Ayon kay Rolando Buag ng Sibagat Emergency Operations Center, kabilang sa mga biktima ang isang anim na buwan na sanggol.
Nabagsakan ng puno ng balete ang tahanan ng mga biktima sa Barangay Kioya kung kaya’t nagdesisyon na lumikas nang matabunan sila ng rumagasang putik mula sa landslide.
Isa lamang sa pamilya ang nakaligtas at agad na humingi ng tulong para sa kanyang mga kapamilya at humagulgol nang walang makitang pamilya sa evacuation center.
Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation sa mga nawawalang biktima.