Advertisers

Advertisers

Pagpahingahin naman daw… Jodi obyus na ang eyebags sa bagong serye; Regine may pakiusap sa netizens

0 255

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA pag-amin ni Winwyn Marquez na 21 weeks na siyang preggy courtesy of her non-showbiz lover, marami ang humuhulang si Winwyn na ang tatanghaling Best Actress sa awards night ng movie niyang “Nelia” ng A & Q Films at isa sa mapalad na official  entry sa parating na Metro Manila Film Festival.

Bukod sa marami ang napahanga sa mapanghamong role ni Winwyn ay may mga matatandang tayong kaugalian na mga Pinoy na may dalang suwerte ang isang babaeng nagbubuntis.



At nagkataon namang buntis na si Winwyn bago ito maipalabas at napasali pa sa MMFF 2021 na hindi inaasahan ng kanyang mga producer.

“Marami pong magagaling na aktres po tayong kasali ngayong parating na MMFF,” say ni Winwyn.

“Ang ma-nominate lang ay sobra-sobra ng blessings sa akin, doon pa lang ay magpapakain na ako. Ako naman po ay never na nag-eexpect ng mga bagay-bagay, kung para sa akin talaga, salamat pero kung hindi para sa akin, salamat pa rin,” dagdag na say pa ni Winwyn.

Dalawa blessings ngayong Pasko ang kanyang natanggap, ang una ay ang pagiging isang ina at ang pangalawa ay ang pagpasok ng kanyang kauna-unahang title roler movie sa MMFF 2021. At dahil sa fluvial ang parade of the stars ngayong taon, join kaya si Winwyn sa parada, knowing na maselan ang kanyang kondisyon?

“Gustong gusto ko talagang sumama pero wala po akong assurance kung safe sa kalagayan ko ang sumama, baka matagtag ako masyado. I have to consult first my doctor kung pupuwede ako o hindi. Kung anuman ang resulta ay agad-agad kong ipapaalam sa inyong lahat,” say pa rin ni Winwyn.



***

PERSONAL: Maraming salamat po sa aming masipag at sobrang bait na barangay captain na si Kapitana Melanie Bongais ng Antipolo St., Brgy. 10, Zone 4, Lungsod ng Pasay. Kahit baguhan palang ako sa kanyang nasasakupan ay pinadama niya sa inyong lingkod na welcome ako sa aking bagong lugar sa pagbibigay ng Christmas pack. Mabuhay ka po, Kapitana Melanie.

***

MARAMI ang nagtaas ng kilay na ang mga producer pala ng isa sa 8 official movie entries ngayon 2021 Metro Manila Film Festival, ang “Nelia” na pinagbibidahan nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing, ay mga baguhan sa larangan nang pagpro-produce ng pelikula.

Sa gitna kasi ng pandemya ay maraming movie producers ang pansamantalang hindi na muna gumawa ng mga pelikula. Sa laki ng gastos at walang kasiguruhan kung kikita ang movie na ipalalabas. Pero para sa mag-asawang sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Quino, ng A & Q Films ay lakas loob silang gumawa ng pelikula kahit  wala silang alam sa kalakaran ng movie producing.

Ano kaya ang nagbigay ng lakas ng loob para sa mag-asawa na gawin ang “Nelia” at ang kanilang bida ay first time rin magle-lead sa isang pelikula, si Winwyn?

“Alam namin ng mister ko na walang kasigurahan kung babalik ba o hindi ang aming puhunan sa paggawa ng isang pelikula lalo pa kontrolado lahat ng galaw ng tao sa panahon na ito ng pandemya,” ani  Atty. Melanie.

“Pero marami tayong mga kababayan na  nagugutom at walang trabaho. Sa pamamagitan ng pagprodyus namin ng movie, kahit paano ay makakatulong kami na magkaroon ng pagkakakitaan ang ating mga kababayan. Kahit maliit lang. Tulong talaga ang aming tunay na hangarin bago ang kumita. At mabigyan ng isang quality movie ang mga moviegoers.

“Kaya pasalamat kami na nakapasok ang aming movie sa MMFF na kahit paano ay makakatulong ito para bumalik man lang ang aming puhunan,” dagdag na say pa ng butihing producer na si Atty. Melanie.