Advertisers

Advertisers

𝐏𝐮𝐠𝐚𝐧𝐭𝐞 h𝐮𝐥𝐢 sa 3 𝐤𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 rape 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐠𝐚𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲

0 290

Advertisers

LEGAZPI CITY – Muling sinilbihan ng warrant of arrest ang isang lalaki sa loob ng Bureau of Correction, New Bilibid Prison sa Muntinlupa City dahil sa kanyang tatlong kasong statutory rape sa lungsod ng Ligao.

Kinilala ang akusado na si alyas Nonito residente ng Brgy. Tastas ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, hapon ng puntahan Intel operation ng Ligao Cps ang akusado dahil sa nasabing kaso na pirmado noong July 9, 2004 na wala rin piyansa na ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.



Napag-alaman rin hinatulan rin ng habang buhay na pagkakakulong o reclusion perpetual two times si Nonito dahil din sa kanyang nakaraang dalawang kaso ng panggagahasa.