Advertisers
Kamatayan ang naging resulta ng pagkatakot na makagat ng aso ang 14 anyos na binatilyo, kaya’t tumalon ito sa ilog at nalunod sa Brgy. Litlit, Silang, Cavite, noong Sabado.
Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital nakilalang si Jhon Emerson Basilan, estudyante, residente ng Sitio Talon ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, bago naganap ang insidente, 6:00 ng gabi naglalaro ang biktima kasama ang mga kaibigan ng taguan nang habulin ito ng aso.
Upang makaiwas, tumalon ito sa ilog at dahil sa may kalaliman tuluyan itong lumubog at nalunod.
Tinangka pa itong iligtas ng kaniyang lolo at nang maiahon agad itinakbo sa pagamutan, subali’t hindi na ito naisalba pa.