Advertisers
ILOILO — Higit P30 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa Oton Public Market, sa Oton, Iloilo, Linggo ng gabi.
Ayon sa guwardiya ng merkado, bigla na lang niya umanong narinig ang kaguluhan sa loob. At nang tingnan niya malaki na ang apoy.
Nagsimula ang apoy sa gitnang bahagi ng palengke.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Oton, mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa tindahan sa loob, gawa sa light materials.
Higit 300 na mga tindahan sa loob ng palengke ang nilamon ng apoy, at nasa 80 percent ng merkado ang nasunog.
Ang bagong gusali ng merkado na gawa sa kongkretong materials ang tanging hindi nasunog.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa sanhi ng sunog.