Advertisers

Advertisers

Bahay ng trader nilooban ng bebot; P2M tinangay

0 276

Advertisers

Huli sa kuha ng CCTV ang panloloob ng isang babae sa bahay ng isang negosyante sa Daet, Camarines Norte nitong Sabado, kung saan aabot sa P2 milyon ang kabuuang halaga ng mga natangay.

Nakatakas at pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang suspek na kinilala sa pangalang Vigina Bolocon, 45-anyos, at residente ng Barangay Lalawigan sa bayan ng Mercedes.

Ayon sa biktima na si Janet Nael, 43-anyos, P1.5 milyon na cash at P500,000 halaga ng mga alahas ang natangay sa kanyang tahanan.



Batay naman sa kuha ng CCTV, 8:00 ng gabi nang pwersahang pumasok si Bolocon sa tahanan ni Nael mula sa backdoor ng bahay nito.

Agad na napuntahan ang bahay ng suspek ngunit wala na ito roon.