Advertisers
CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang motornapper nang makipagbarilan sa mga pulis sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Kinilala ang nasawi na si Sabahuddin Maton na residente ng Ampatuan Maguindanao.
Ayon kay Esperanza Chief of Police Major Alexander De Pedro na hinarang ng kanyang mga tauhan ang suspek sa PNP Checkpoint sa Barangay Panay Esperanza Sultan Kudarat ngunit hindi ito huminto at pinaharurot ng takbo ang kanyang sinakyan na motorsiklo.
Hinabol ito ng mga pulis ngunit nakipagbarilan sa mga otoridad.
Nasawi ang suspek nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Narekober sa posisyon ni Maton ang isang kalibre.45 na pistola, magasin, mga bala at isang pakete ng shabu.
Sangkot ang suspek sa nakawan ng motorsiklo sa bayan ng Esperanza at matagal nang minamatyagan ng mga otoridad.