Advertisers
Makalalaya na ang tinaguriang pinakamatagal na ikinulong na political prisoner sa Pilipinas.
Ito ay matapos na pagbigyan ng Muntinlupa regional trial court ang petition for writ of habeas corpus ni Juanito Itaas.
Si itaas ay dating miyembro ng New People’s Army Sparrow Unit, na nasintensyahan ng habambuhay na pagkakakulong sa pagpatay kay Joint RP-US Military Advisory Group Army Division chief Colonel James Rowe noong 1989.
Iba pa ang 10 hanggang 17 taong pagkakakulong naman sa frustrated murder kay Joaquin Binuya, na drayber ni Rowe.
Sa desisyong pinonente ni Judge Gener Gito nitong Nobeymbre 8, sinabi ng Muntinlupa RTC na nakumpleto na ni Itaas ang kanyang sintensya at pwede siyang maisailalim sa Republic Act 10592, o ang kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sumentro ang desisyon ng korte sa Section 2, Rule IV of the law’s 2019 amended implementing rules and regulations (IRR).
Nakasaad dito na hindi dapat maisailalim sa GCTA credits ang “recidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes.”
Pero sinabi ng korte na sumosobra naman ito sa kung ano ang mandato ng batas at tanging gumagana lang ito sa mga indibidwal na nauna nang ikinulong bago pa masintensyahan.
Base pa sa desisyon ng korte na hindi na rin pinatatapos kay Itaas ang sintensya sa kaso naman kay Binuya.
Nakulong si Itaas ng 32 taon, 1 buwan, 12 araw hanggang Oktubre 19, 3031.
Base sa komputasyon ng GCTA, dapat 29 taon, 5 buwan, 23 araw lang kinulong si Itaas.
Ikinatuwa naman ni Free Legal Assistance Group lawyer Theodore Te ang nasabing desiyon ng korte.
“The decision to grant Mr. Itaas the benefit of the GCTA is founded on both the facts and the law and the ruling declaring as invalid the IRR provisions that made it more difficult for detainees to benefit from the GCTA is consistent with the Constitution and the law. We hope that Mr. Itaas will be able to join his family for Christmas,” ani Te.