Advertisers
BILIB ako rito kay Vice President Leni Robredo lalo pagdating sa relief operations.
Oo! Mabalitaan lang niya na may parating na malakas na bagyo sa ganitong mga lalawigan, nakaposisyon agad doon ang kanyang volunteers.
Kaya naman paghupa ng bagyo, kungsaan ang mga tao’y hilong talelong sa pagkawasak ng kanilang bahay at kabuhayan, ay nabibigyan agad ng tropa ni VP Leni ng ayuda ang mga nasalanta ng kalamidad.
Mantakin mo, repapips, dito sa nagdaang super bag-yong Odette, pagkahupa na pagkahupa ng bagyo ay nandoon agad nag-iikot si VP Leni. Nilipad niya ang mga lalawigan ng Bohol, Leyte hanggang Surigao del Norte, ang mga probinsiya na napuruhan ng bagyong Odette.
May isang bayan nga sa Siargao na pinasok nina VP Leni bitbit ang relief goods sakay lamang ng mga motorsiklo dahil hindi makapasok ang 4 wheels dahil sa mga nakahambalang na mga puno sa daan.
Kapag ganitong lider ang maihalal natin sa 2022 elections, aba’y panalo ang sambayang Filipino.
Actually, noon paman manalong Vice President si Leni ay hindi na ito tumigil sa pag-iikot, may kalamidad o wala, para mamahagi ng mga ayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa mga liblib na bayan. Ito’y sa kabila ng maliit na pondo ng kanyang tanggapan. Ang mga ayudang kanyang ipinamamahagi ay mula sa donasyon ng mga pribadong kompanya.
Si VP Leni ay isang abogada, dating human rights lawyer, na nahikayat pumasok sa politika nang masawi sa aksidente ang kanyang mister na si dating DILG Secretary Jesse Robredo noong panahon ni late President Noynoy Aquino.
Sa lahat ng govt. officials under Duterte administration, si VP Leni lamang ang nagkaroon ng highest trust rating mula sa Commission on Audit (CoA). Ibig sabihin ay ni-gahiblang katiwalian walang nasilip sa paggamit niya sa taxpayers money sa kanyang tanggapan. Bravo!
Running mate ni VP Leni sa kanyang pagtakbong pangulo sa 2022 si Senador Kiko Pangilinan, ang mister ni Megastar Sharon Cuneta.
***
Ito ang resulta ng pagtatanong natin sa kolum na ito nitong Lunes kung sino ang ipapalit ng mga Manilenyo kay Yorme Isko sa darating na Halalan 22?
Sa ibinigay nating pangalan ng mayorables na sina Atty. Alex Lopez, Vice Mayor Honey Lacuna, Congressman Amado Bagatsing, retired Police General Elmer Jamias, at Cristy Lim, ang napupusuan ng readers na Manilenyo ay si Lopez na nagkaroon ng 35 “gusto ko”, sumunod si Lacuna (28), Lim (25), Jamias (3), Bagatsing (3). Labing-isa naman ang wala pang mapili sa naturang mayorables.
Again… kung kayo’y botante ng Maynila, sino ang gusto ninyong kapalit ni Yorme Isko sa Mayo 2022: Lopez, Lacuna, Bagatsing, Lim, Jamias? Just txt me… para mabilang sa sunod nating kolum.
Mabuhay ang Manilenyo!!!
***
Matindi rin ang labanan para sa pagka-mayor sa Quezon City sa pagitan nina reelectionist Joy Belmonte at Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor.
Sa mga survey sa QC, malaki ang lamang ni Belmonte.
Ang tanging nagagawa ni Defensor ay ang batuhin ng putik ang lady mayor, na kaagad namang nasasagot ng abogado ni Belmonte.
Kung kayo taga-QC, kanino kayo? Joy or Mike? Txt me!