Advertisers
Ni BETH GELENA
NAG-viral ang kuhang larawan nina Allan K at Ahron Villena sa social media.
Ang nasabing larawan ay mismong si Allan ang nagpost na nag-eenjoy silang nagkukwentuhan.
Ang agad na pumasok sa isipan ng netizens ay may relasyon ang dalawang personalidad.
Kaya lang mukhang hindi kinaya ni Allan ang bumabahang comments sa kanyang socmed.
Sa kanya na mismo galing na “it’s a prank” lang daw ang kanyang ipinost.
Ngayong araw ay muling nirepost ng Eat Bulaga host ang larawan nila ni Ahron.
Ang nakalagay na caption: ” and now the reveal. It’s a prank!!! Thank you sa mga pumatol sa earlier posts namin. Isa lang siyang malaking playtime. Peace everyone.”
Sey ng mga netizen:
“kung anu-ano na lang talaga para sa clout ano haha”
“Realistically speaking, even non celebs do it. So just stop the bashing. They were just having fun. I bet people in the past did these things as well, it’s just that theres no social media apps back then to video people’s craziness.”
“Wala namang nagtaka eh”
Kinuha naman ng isang netizen ang atensyon ni Cacai Bautista.
“Kakai is shaking”
“Baka naman bukas e sila na nga.”
“Wouldnt be surprised kung totoo. Baka known user kasi yan hahaha”
At nagamit pa ang isa.sa segment ng EB, “Bawal nga judgemental diveeeey haha”
Anyway, wait na lang kung magkakaroon ng development kina Allan at Ahron tiyak hindi ito makakalampas sa tenga ng mga Marites.
***
BIOFILM NI ATORNI PERSIDA TYPE SINA DAWN AT RICHARD ANG BIDA
DEBOSYON na yata ni PAO Chief Persida Rueda Acosta na taun-taon ay nakikipag-Meet and Greet siya sa entertainment press.
Nag-umpisa ito mula nang magkaroon siya ng programa sa TV5, titled Face to Face. Siya ang host ng nasabing programa kasama si Amy Perez.
But, that was long time ago pa at debunked na rin ang programa.
Still si Atorni Persida ay nakikipag- mingle pa rin sa mundo ng entertainnent.
Sabi nga ni PAO chief, kailangan din naman daw nila ang entertainment.
Hindi naman daw kasi dapat ay laging seryoso.
Sambit pa niya, “sa totoo lang sa mga dyaryo mas uunahin nating puntahan ang entertainment page para basahin ang mga Marites.”
O di ba kahit mga seryosong kaso ang nakaatang sa balikat ng butihing PAO chief kinakailangan din niyang maging updated sa kalakaran ng entertainment issues. hahaha.
Layunin din ni Attorney Persida na ipagbigay alam sa mga kaibigang press ang mga kaso tulad ng Denvaxia na panahon pa ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino Jr a.k.a. P-Noy na hanggang ngayon ay ipinaglalaban pa rin ng PAO (Public Attorney’s Office) sa pamumuno ni Attorney Persida.
Sabi nga ni PAO Chief, hangaga’t makakaya niyang tumulong ay kanilang gagawin dahil alam niyang nasa tamang landas ang kanilang tinatahak sa mga kawawang nabiktima ng Denvaxia.
Marami ang may gustong pumalaot sa pulitika ang butihing atorni.
Sa bibig na rin niya mismo nanggaling na hindi pa napapanahon ang pulitika sa kanya.
Siguro raw kapag nagretiro na siya sa 2026 dahil 65 years old na ay “baka” doon na namin siya makikita sa Senado.
Nga pala, may live streaming program si Atty. Acosta, ang PALA Live Show na nasa Season 2 na. Ang PALA means Persida Acosta’s Legal Advice.
Si atorni mismo ang host ng nasabing programa bilang kabahagi ng PAO’s legal advice and information dissemination program na isinasagawa online via Facebook Live @FB Fan Page ‘Persida V. Rueda Acosta.’
July 31, 2021 nang simulan ni Atty. Persida ang #PALA Season 1.
Siya na mismo ang lumalapit sa ating mga kababayan na may problema at katanungang legal subalit hindi personal na makapunta sa tanggapan ng PAO dahil sa pandemya.
Na-excite naman ang press people nang banggitin ng batuhing atorni na may posibilidad na gawing biofilm ang kanyang buhay.
Feel niyang sina Dawn Zulueta as herself at Richard Gomez bilang kanyang hubby ang mga gaganap.