Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
FIRST Christmas at New Year ngayong taon na engaged si Kris Aquino kay former DILG Secretary Mel Sarmiento.
Sinabi ni Kris sa latest post niya na nagbakasyon na sila last December 9.
“It was my dear desire to keep our pre Christmas break very private. Mel & I Left Dec. 9 with every intention of being back Dec. 17. Ang tagal pinagplanuhan kung saan pupunta. Walang available in Bataan or Zambales. We could be accommodated in Boracay (thank you @discoveryshoresboracay & @theaukhanaboracay) pero problema namin yung air trace because of my compromised, immunity. Sadly, my weight had dropped below 90 lbs,” simula ni Kris sa kanyang Instagram post.
Kahit nasa bakasyon ay nakipag-team up si Kris kay Angel Locsin para tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Odette sa Cebu.
“Ayokong isipin ninyo na dedma ako sa pinagdaanan ng mga kapwa nating Pilipino dahil sa napakalakas at bagsik ng bagyong #Odette.
“Hindi na po ako magdedetalye pero nonstop ang communication ko sa mga kaibigan kung paano makakatulong. Maraming salamat sa @puregold ph dahil natulungan akong magbigay sa kaibigan na may paraan para ipaabot ang aking pamaskong pagbahagi sa area nila sa Mindanao.
“Salamat sa @snr official, smsupermalls and @stweets sa pagtulong sa `min para mapakumpleto ang necessities para sa mama at mga pamangkin ni Mel na walang kuryente, nasiraan ng generator, walang tubig at para magka-signal, umaakyat sa rooftop ng bahay nila.
“Paubos na rin po ang gasolina sa Cebu, kaya grabe ang iniiyak ng puso ko para sa mga nawalan ng lahat.
“Matagal na kaming tandem ni @therealangellocsin pag ganitong may kalamidad at araw-araw kaming nag-uusap kung paano ba makakatulong,” say pa ni Kris.
Nakipagtulungan na rin daw siya kay Vice President Leni Robredo.
“5 AM kanina magka-text kami ni VP. Saludo ako sa kanya at kay Senator @mannypacquiao dahil nagkaisa sila para mas maraming matulungan. Finally makakauwi na at mas marami nang magagawa,” pahayag pa ni Kris.
“God bless the Phils, during yet another crisis. Sana wag tayong mawalan ng pag-asa dahil pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi tayo pababayaan ng magbi-birthday sa Dec.25,” pagtatapos ni Kris.
***
PAO Chiel Persida Acosta hinarap ang entertainment press
Every year nakaugalian na ni PAO Chief Persida Acosta na harapin at batiian ang mga kaibigang entertainment press.
Nagsimula ito nang magkaroon siya ng programa sa TV 5 titled Face to Face, bilang tagapayo sa show na hosted by Amy Perez.
Pero yan ay mataga na nga at hindi na napapanood sa TV si Atty Persida kaya naman siguro na-miss na niya ang mga kaibigang press at nagpatawag ng Thanksgiving para maka-mingle ang mga manunulat.
Sinabi ni Atty. Persida na malaki ang respeto niya sa entertainment media dahil unang-unang binabasa at binubuksan ng mga tao kapag bumili ng diyaryo ay ang entertainment page.
“Sa totoo lang, sa mga diyaryo, mas uunahin nating puntahan ang entertainment page para basahin ng mga Marites,” aniya.
Kahit na mga seryosong kaso ang kinakaharap at hinahawakan ng butihing PAO chief ay gusto rin niyang maging updated sa mga nangyayari sa local showbiz industry.
Layunin din ni Atty Persida na iparating sa mga kaibigang press ang mga kasong hinahawakan ng PAO tulad ng Dengvaxia na panahon pa ni dating Pangulong Benigno Aquino na hanggang ngayon ay ipinaglalaban pa rin ng Public Attorney`s Office sa pamumuno nga ni Atty Persida Acosta.
Sinabi pa ni PAO Chief na hangga`t makakaya nilang tumulong ay kanilang gagawin dahil nasa tamang landas ang kanilang pinaglalaban at para na rin sa mga kawawang nabiktima ng Dengvaxia.
Samantala, may live streaming program ngayon si Atty. Persida, ang PALA Live show na nasa season 2 na. Ang PALA ay Persida Acosta`s Legal Advice na si Atty. ang tumatayong host ng programa.
Na-excite ang press people nang sabihin ni Atty. Persida na may posiblidad na isapelikula ang kanyang buhay at kung walang magiging aberya gusto niyang si Dawn Zulueta ang gaganap bilang siya at si Richard Gomez naman ang gaganap bilang kanyang husband.