Advertisers

Advertisers

111 katao, nalason sa payout ng PULI at LK sa Quezon

0 422

Advertisers

POKARAGAT NA ‘YAN!, alam ba ninyong mahigit 100 katao kabilang ang ilang empleyado ng pamahalaang panlalawigan ang naging biktima ng food poisoning habang ginaganap ang isang malaking pagtitipon sa Quezon Convention Center kahapon.

Ang problema, hindi mabatid ang dahilan ng masamang pangyayaring ito.

Hanggang 9 ng gabi, napag- alaman na umaabot na sa 111 ang bilang ng mga nalason na ini admit sa Quezon Medical Center sa lunsod ng Lucena.



Ang mga ito ay pawang kaanib ng Provincial Union of Leaders against Illegalities (PULI) at ng Luntiang Katipunero (LK) at nagmula pa sa mga bayan ng Infanta, Tagkawayan, Tiaong, Calauag, Guinayangan, San Francisco, Dolores, Pagbilao, Lucban, Atimonan, Perez, Panukulan, Candelaria, Mauban, Lopez, Sariaya, Paridel, Burdeos, Perez, Polillio, Sariaya, Quezon, Quezon, lunsod ng Lucena at Tayabas.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang nagaganap ang pay out ng honorarium sa may apat na libong kasapi ng PULI at LK.

Makaraang mag- almusal ng pritong itlog, hot dog at kanin, bigla umanong nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa nagsuka ang mga biktima.

Ang mga ito ay isinugod ng mga ambulansya sa Quezon Medical Center kung saan sila ay ini-admit sa mga kwarto na noon ay pinaglagyan ng mga COVID patients matapos lapatan ng paunang lunas.

Sa kanyang Facebook account, si Governor Danilo Suarez ay humingi ng paumanhin at pang-unawa sa mga nalason at sinabing isolated cases lamang ang mga ito.



Kaugnay nito, malakas ang mga alegasyon na ang LK at PULI ay ginagamit ng mga Suarez sa kanilang pamumulitika, bagay na kanila namang punabubulaanan.

Samantala, inaalam pa ang katotohanan sa likod ng ulat na ang catering services na ginamit sa okasyon ay pag- aari di umano ni Tina Talavera na siyang umaaktong hepe ng Provincial General Services Office.