Advertisers

Advertisers

Bebot, huli sa kotong

0 357

Advertisers

ARESTADO ang 19- anyos na babae sa pangingikil sa isang construction worker sa San Juan, Ilocos Sur nitong Martes.

Ang babae ay pansamantalang itinago sa pangalang “Roxanne”, estudyante, ka-lugar ng biktimang itinago rin sa pangalang “Roger”, 32, isang contstruction worker.

Nabatid na nagpunta sa San Juan Municipal Police Station ang biktima kasama ang kapitan ng kanilang barangay para humingi ng tulong nang i-blackmail siya ni Roxanne.



Hinihingan ni Roxanne ng P20,000 si Roger na kung hindi ito magbibigay ay ilalabas nito sa social media ang mga photos ng biktima.

Dahil dito, isang entrapment operation ang ikinasa ng mga otoridad laban kay Roxanne.

Gaya ng napagkasunduan ng biktima at suspek, ang pera na binalot ng plastic ay ilagay sa isang sulok sa barangay road ng naturang barangay para doon ito kukunin.

Makalipas ang ilang sandali, isang menor de edad na nakasakay ng bisikleta ang nakita nilang kumuha rito.

Palihim na sinundan ng mga otoridad ang menor de edad at nang aktong iaabot na ng bata ang hawak na nakabalot ng plastik kay Roxanne, lumabas at nagpakita ang mga otoridad.



Agad inaresto ng mga otoridad si Roxanne pati ang kasama nitong menor de edad.
Robbery extortion in relation to Cyber Crime Law ang kasong isasampa kay Roxanne ng kanyang naging biktima.