Advertisers
MAHIGIT sa P4 milyon halaga ng ecstacy drugs ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa isang parcel sa Pasay City.
Ang 2,437 tablets ng ecstacy ay nasamsam sa Central Mail Exchange Center sa lungsod.
Nasita lamang ang droga nang siyasating mabuti ang mga parcel.
Nabatid na nanggaling ang droga sa The Netherlands at ang mga consignee ay naka-address sa Quezon City, Las Pinas at Bulacan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang mga suspek na nasa likod ng pagpupuslit ng nasabing iligal na droga. (Gaynor Bonilla)