Advertisers
MAGLALABAS ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P2 Million para sa relief efforts sa Odette-devastated Visayas at Mindanao areas.
Tinapik ni PSC Chairman William Ramirez ang dating PSC Executive Director at Commissioner na nagsilbi noong unang termino ni Ramirez bilang PSC Chief na si Fr. Vicente Uy, Private Schools Athletic Association (PRISAA) Region VII President, upang pangunahan ang pamamahagi ng care packages sa mga lugar na sinalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Pangungunahan ni Fr. Uy ang relief operations sa tulong ng mga kinauukulang local government units, unibersidad at parokya.
Ayon kay Ramirez, nag-organisa si Marlon Malbog, Philippine Sports Institute Deputy Director ng PSC, ng lahat ng mga sports coordinator sa lugar upang tulungan si Fr. Uy sa pamamahagi ng care packages.
“Fr. Uy has the leadership and integrity to be on top of this on the ground. We are directly coordinating with him. The PSC, archdioceses, universities, teachers and the sports community will come together and help,” paliwanag ni Ramirez.
“The PSC’s compassion for the calamity victims and passion for the cause of humanity are deeply appreciated,” Wika ni Fr. Uy kaugnay sa aksyon ng PSC board.
Nitong Lunes, nakipagsabwatan ang PSC sa Armed Forces of the Philippines sa pagdadala ng humigit-kumulang 10,000 bottled water at 900 units ng mattresses sa lokal na pamahalaan ng Bohol. Ang iba pang inaayos na packages ay ipadadala rin.
Inaprobahan rin ng PSC Board ang pagpapalabas ng P15,000 financial assistance para sa bawat isa sa 136 na atleta at 31 coach na naapektuhan ng bagyo.