Advertisers

Advertisers

PRRD, Bong Go bumisita sa Negros Island para mapadali ang relief at recovery efforts sa mga nasalanta ng bagyo

0 405

Advertisers

BUMISITA si Senator Christopher “Bong” Go sa naapektuhan ng super typhoon Odette at binigyang-diin ng senator ang kahalagahan ng whole-of-nation approach para sa isang epektibong disaster response at recovery efforts matapos samahan nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipagpulong sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo sa Kabankalan City, Negros Occidental noong Lunes, Disyembre 20.

Kasama ng iba pang pangunahing opisyal, nagsagawa sila ng aerial inspection sa mga apektadong lugar sa Negros Island at pagkatapos ay dumalo sa isang situation briefing sa Kabankalan City.

“Tulad ng ginawa namin sa Southern Leyte at Surigao Del Norte noong Sabado, at sa Cebu at Bohol kahapon, pinangunahan muli ni Pangulong Duterte ang aerial inspection at situation briefing sa Kabankalan City kasama ang mga lokal na opisyal ng Negros Oriental at Negros Occidental; mga opisyal ng DSWD, DOE, DTI, DOTR, DOH, DA, DPWH, OCD, at iba pang ahensya pati ang hanay ng pulisya at militar,” Go narrated.



Sa press release dinaluhan din ng senator at ng Pangulo ang pulong ni Negros Occidental Governor Eugenio Lacson, Negros Oriental Gov. Roel Degamo, Kabankalan City Mayor Pedro Zayco Jr., at mga alkalde ng iba’t ibang lungsod at munisipalidad ng Negros Island.

“Sisiguraduhin ng Pangulo na mabibigyan ng sapat na atensyon at tulong sa lahat ng mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo. Walang tigil ang pagde-deploy ng kagamitan, ayuda, at mga tauhan ng gobyerno at sisikapin naming mabisita ang iba pang mga nasalantang lugar tulad ng Palawan sa susunod na mga araw,” pagtitiyak ni Go.

Kaugnay nito bilang Tagapangulo ng Komite sa Kalusugan at Demograpiko ng Senado, nag-alok ang senator ng kanyang tulong sa mga nangangailangan ng karagdagang medikal na atensyon at nanawagan sa lahat ng kinauukulang awtoridad na asikasuhin ang mga emergency na pangangailangang medikal ng mga biktima.

Kasunod ng pagpupulong, kasama ni Go sina Pangulong Duterte at Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista para sa ceremonial turnover ng mga relief goods.

Magugunitang ang Kabankalan City ay kabilang sa mga lugar na pinakamahirap na tinamaan ng super typhoon Odette sa Negros Occidental kung saan maraming bahagi ng lungsod ang lumubog sa tubig baha. Ang malakas na pag-ulan ay nakagambala sa buhay ng libu-libong residente, pinilit ang paglikas ng mahigit 8,000 indibidwal at nag-iwan ng siyam na patay noong Linggo, Disyembre 19.



Ayon kay Go, inutusan ng Pangulo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na magtalaga ng mas maraming ground personnel para mapabilis ang relief at recovery operations sa mga apektadong lugar.

Kasama rin ng senador ang Pangulo sa serye ng aerial inspection sa mga apektadong komunidad sa Siargao Island, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Southern Leyte, Cebu at Bohol noong Disyembre 18 at 19.(Boy Celario)