Advertisers
Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos nitong lagdaan ang Ordinance No. 8797 o ang “An ordinance granting financial assistance to job order workers, contract of service, or other similar schemes of the city government of Manila and providing funds therefore in the total amount of P51,150,000 and for other purposes.”
Magbebenipisyo sa nasabing financial assistance ang higit 10,000 job order workers ng Manila City Hall.
Hindi lamang ang financial assistance para sa mga JO ang inaprubahan ng presidential aspirant ng Aksyon Demokratiko kundi maging ang 2022 budget para sa special education fund na nagkakahalaga ng P2,556,546,510.
Ang pag-aruba, kasabay ng ginawang pagpupulong ng Local School Board na dinaluhan ni Division of City Schools (DCS) Superintendent Dr. Magdalena Lim kasama ang iba pang opisyal ng DCS nitong nakaraang Linggo.
Bahagi sa inilaang budget ang pagsasaayos sa Ramon Magsaysay High School kung saan gagawin itong 10 palapag na gusali na may 232 classrooms.
Isasailalim din ang 12 iba pang eskuwelahan sa Maynila ayon pa kay Domagoso.
Bahagi din sa nasabing inaprubahang pondo ang load allowance ng mga guro at mga estudyante para sa kanilang distance learning scheme bunsod na din ng kinakaharap na COVID-19 pandemic. (Jocelyn Domenden)