Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TULUY-tuloy na ba raw ang pagde-daring ng gf ni Gerald Anderson na si Julia Barretto katambal si Carlo Aquino.
Sa posted pics sa socmed ni Julia na kanyang kauna-unahang daring picture ay nag-react si Gerald.
Nagalit ba si Gerald or tanggap nito ang pagbabagong imahe ng gf?
Siyempre waiting sa reaction ng bf ni Julia sa kanyang daring pose pics.
One word lang naman ang nasabi ni Gerald at tila nagulat sa ginawa ng gf na si Julia.
Napa-hala si Gerald sa daring pics ni Julia na naglagay pa ng emoticon na fire.
Gulantang marahil si Gerald sa gf sa bago nitong image.
Pero may mga sitsit na tila nag-init at nanggigil si Gerald sa bagong aura ng gf sa kanyang daring pics.
Naku malamang nga raw na ‘di makakawala sa bisig ni Gerald si Julia na bida sa Expensive Candy dahil sa pangigigil dito kapag nagkita na silang muli.
Suportado naman ni Gerald si Julia sa pagbabagong bihis nito ngayon na from tweetums to daring.
.***
Andi itutulong ang kita sa vlog sa mga kababayang biktima ng Odette
SA post ni Andi Eigenmann sa kanyang IG account ay inihayag nito na ipangtutulong nito ang lahat ng kanilang kikitain sa vlog.
Itutulong daw ni Andi ang earnings nito sa kanilang vlog sa mga biktima na nakaligtas sa malupit na hagupit ni Odette particular sa Siargao.
Ang Siargao naman kasi ang tinumbok ng bagyo dahil para mawalan ng bahay ang kanyang mga kababayan na naninirahan sa nasabing province.
Nawalan naman kasi ng kabahayan ang halos lahat ng kabayan nito sa Siargao.
Maraming natuwa sa effort ni Andi na pagtulong sa kanyang kababayan.
Sa Siargao na rin kasi naninirahan si Andi kasama ang partner na si Philmar Alipayo at mga anak.
At kita naman ni Andi ang perwisyong ginawa ng bagyong Odette sa kanilang lalawigan.
Well, well, well…’Yun na!