Advertisers

Advertisers

Mula sa kinita sa ‘Ang Probinsyano’ at ‘Pornstar’ Rosanna nakabili ng bagong townhouse; Conte Family ginawang positibo ang Pasko kahit sad

0 301

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA 

AFTER ng ilang months na lock-in taping ni Rosanna Roces sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Ilocos at Bataan na ang ginagampanan ay isa sa mga mahahalagang character sa no.1 action-drama series bilang pinuno (Lolita) ng The Assassins, along with John Estrada na mister niya sa serye at anak nilang si Mara (Julia Montes), bumalik muna ng Manila si Osang para mag-celebrate ng Pasko kasama ang kanyang mga anak, apo, at dyowang si Boy George (Blessy Arias).

Isa sa masaya si Osang at kasama rin nila sa grupong The Assassins ang anak na si Onyok (Dennis Cruz). At ang malaking regalo para sa sarili at family  ay nakabili si Osang ng bagong Towhouse na ilang milyon ang halaga na unti-unting pinupuno ng gamit nina Osang at Blessy. At buong ningning na ipinagmalaki ng kaibigan naming maganda at mabait na aktres na katas ang Townhouse niya ng Ang Probinsyano at projects sa Viva.



Pwedeng i-apply kay Osang ang kasabihang, “you cannot put a good woman down. Malaking Belat sa iyo ito Lolita “Buruka” Solis. Next year,  balik taping na uli si Osang para sa FPJ’s Ang Probinsyano at marami rin siyang naka-line up na projects sa Viva Artists Agency o Viva.

***

KAHIT namatayan ng mister this year at nagka-mild stroke na magaling na ay very positive pa rin ang outlook sa buhay ng Friendship naming POET GURU na si Loida Conte ng Beyonne, New Jersey, USA.

Yes, sa katunayan tuloy ang Pasko sa kaibigan naming good samaritan (Loida) kasama ang mga binatang anak na sina Lawrence Grant at Lester Glenn at ilang siblings. Yes, sa gitna ng pandemic ay nakago-good vibes talaga ang TITA ng Chika Mo, Vlog Kabog na si Ms. Conte, at may ginawa pang tula sa araw ng Kapaskuhan na majority ng mga Pinoy ay nakararanas pa rin ng kahirapan.

Narito ating basahin at namnamin ang bawat letra ng Christmas Poem nito.



“ARAW NG PASKO SA PANAHON NG PANDEMYA”

Ano ba naidudulot sa atin sa panahon ng pandemyang hinaharap

Nangangamba at natatakot kung saan patutungo ang ating buhay

Lahat tayo ay apektado sa naiibang pangyayari ating nararanasan

Dulot ng pandemya ay tiyak na mapanganib sa ating kaligtasan

Dahil kaaway ay di nakikita ay may takot at pangamba ang dala

Dalhin natin sa dasal ang bukod tanging panglunas sa sakit nito

Pagasa ng tao makawala sa hatol na kamatayan dulot ng kasalanan

Kapayapaan sa tao ang bigay ng Diyos sa pagsisisi at pagpapatawad

Pag ibig ng Diyos sa tao ang umiral kaya bugtong na anak ay binigay

Araw ng Pasko ay ipagdiwang natin ang kapanganakan ni Cristo Hesus

Araw ng Pasko ay panahon ng pagpapatawad nakamit ang kapayapaan

Araw ng Pasko ay pagmamahal sa pamilya’t kaibigan ay ligayang tunay